^

PSN Showbiz

Jean, di nakikialam sa lovelife ng anak

-
Nag-react ang sosyalerang actress na si Jean Saburit sa siyeteng nakikialam siya sa lovelife ng kanyang nag-iisang anak na si Nicole Anderson kaya hindi ito natuloy kay Mark Herras at palagi raw niyang binabantayan ang anak sa mga lakad nito.

"Excuse me, kailanman hindi ko ginawa yan. Wala akong pakialam sa pag-ibig ng aking anak," sabi ni Jean.

Wala raw siyang alam, kung bakit hindi nagtagal ang panliligaw ni Mark kay Nicole. Ang alam niya, tahimik na bata si Nicole. Pulos pag-aaral ang ginagawa sa bahay. Nag-aaral sa British school si Nicole at isang magaling na estudyante doon. Bihira rin itong lumabas ng bahay.

"Palagi ko kasi siyang tini-text kapag inaabot ng gabi, kapag may party na pinupuntahan. Sa panahong ito, sinong ina ba ang papayagan na umagahin ang kanyang anak sa kalye? Ibang panahon ngayon, kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa kong pagbabantay kay Nicole," kwento pa ni Jean.

Bibihirang makaalis ng bahay si Nicole na hindi kasama si Jean. No wonder, nagtataka siyang nabalitang palaging kasama sa mga lakad ni Mark si Nicole. Lately nga, nabalitang naalangan si Mark kay Nicole dahil rich ang family nito. Balita ngang sa Sweden pa balak nitong mag-Pasko.

"Hindi ako tumitingin sa pera pagdating sa mga lumiligaw sa anak ko. Gusto ko ang lalaking mabait at may takot sa Diyos," aniya pa. — Vir Gonzales

BIBIHIRANG

BIHIRA

DIYOS

IBANG

JEAN SABURIT

MARK HERRAS

NICOLE

NICOLE ANDERSON

VIR GONZALES

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with