^

PSN Showbiz

Zsazsa, may respeto kay Vic

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Masaya si Zsazsa Padilla sa good feedback sa ZZZZM at sa dami nang nangakong panonoorin ito. Ang Enteng Kabisote 3 ang mahigpit nilang makakalaban dahil pareho ang genre ng pelikula at tradition nang panoorin ang movie ni Vic Sotto every Metro Manila Film Festival.

Malaki pala ang respeto ni Zsazsa kay Vic dahil nakita niya kung paano nito respetuhin at idolohin si Dolphy. Nagkita sila sa isang restaurant at lumapit si Vic sa kanila para bumati.

"Nakita ko sa mga mata ni Vic ang sincerity, pagmamahal at respeto kay Dolphy and I appreciate that. Kaya, nirerespeto ko rin siya. Considering na number one siya ngayon pero, mabait siya," patungkol ni Zsazsa kay Vic.
* * *
Hindi natuloy ang first day taping ng Twin Sisters (dating Super Twins) ng GMA-7 noong Huwebes dahil di natapos ang costume. Sa December 19 ang bagong sked ng taping ng telefantasya na magbabalik kay Dennis Trillo sa primetime.

Nakita pala namin ang actor kamakailan at kahit may balbas, guwapo pa rin. Hindi namin nausisa kung paghahanda sa kanyang role ang pagpapatubo ng balbas. Nagmamadali ito’t naghihintay si Regine Velasquez sa recording studio at magbabantay sa recording ng actor ng kanyang album for Indi Music.

Sa last week ng January 2007 ang release ng album ni Dennis pero, first week pa lang, ilalabas na ang first single niyang "All Out Of Love" na original ng Air Supply. Ito ang napiling first single dahil may recall at theme song ng sanitary napkin TV commercial ng actor.

Hindi na nag-comment si Dennis sa isyu sa kanila ni Robin Padilla para ‘di na lumaki. ‘Pag nagkita sila, babatiin na niya ito at ‘di basta tatanguan.
* * *
Ang pagpa-palpitate ni Vero Samio ang patunay kung gaano ka-effective ang trailer ng Shake, Rattle & Roll 8 na gawa ni Meren Alvarez, anak ni Roy Alvarez. Kasunod noon, pumapalakpak ang aming editor dahil talagang nakakatakot ang trailer ng trilogy movie.

Puno ng sigawan, katatakutan at takbuhan ang mga episode na LRT, Yaya at 13th Floor at nagpagalingan ang mga director nitong sina Mike Tuviera, Topel Lee at Rahyan Carlos. Sa hindi makapaghintay sa regular showing nito sa December 25, manood kayo sa Gala Premiere Night sa December 19, 7pm sa Cinema 10 ng SM Megamall.
* * *
Gagawin sa SOP ngayong Linggo ang big promo ng Regal movies na entry sa Metro Manila Film Festival. Tinawag itong Regal’s Fantastic MMFF Entries kung saan, may special numbers ang cast ng Mano Po 5: Gua Ai Di, Super Noypi at Shake, Rattle & Roll 8.

Isang dragon dance ang magbubukas ng show at susundan ng wu shu fight ni Richard Gutierrez with a rival to win Angel Locsin’s heart.

vuukle comment

AIR SUPPLY

ALL OUT OF LOVE

ANGEL LOCSIN

DENNIS TRILLO

DOLPHY AND I

ENTENG KABISOTE

GALA PREMIERE NIGHT

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ZSAZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with