^

PSN Showbiz

Polo, magkakaro’n ng maraming billboards

-
Tulad ni Mark Herras, hindi na rin nasasaktan si Jennylyn Mercado kapag nali-link sa ibang babae ang kanyang ex-boyfriend. After all, pareho na silang nakapag-move on.

Although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula kay Jennylyn, mukhang si Patrick Garcia ang kapalit ni Mark sa kanyang puso.

Kahit break na sina Jennylyn at Mark, tanggap pa rin ng kanilang mga fans ang kanilang tandem kaya muli silang pinagsama ng Regal Films sa Super Noypi na dinirek ni Quark Henares.
* * *
Si Polo Ravales ang pinakabagong endorser ng Bioessence na pag-aari ni Dra. Emma Beleno-Guerrero.

Sinabi ni Dra. Guerrero na perfect umano si Polo bilang endorser ng Bioessence dahil bukod sa maganda ang skin nito, maganda pa ang built ng katawan at positibo ang dating nito sa publiko.

Nangingiti lamang si Polo kapag binibiro siya na tiyak na magri-react na naman si Borgy Manotoc kapag nakita ang kanyang mga billboards ng Bioessence na makikita early next year sa iba’t ibang strategic places ng Metro Manila.

Bukod sa service ng Bioessence, itutulak din ni Polo ang mga produkto ng Bioessence tulad ng Spa Soaps na may iba’t ibang bisa tulad ng papaya soap, orange and lemon peel, turmeric, wide carrot, mangosteen, ilang-ilang, patchouli, noni, o’le goat milk, oatmeal, honey & cow’s milk, guava at neem tea tree. – Aster A. Amoyo

ASTER A

BIOESSENCE

BORGY MANOTOC

DRA

EMMA BELENO-GUERRERO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

METRO MANILA

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with