^

PSN Showbiz

Frenchie Dy, Mau Marcelo, pagtatapatin!

-
Mas mapapabilis ang pagtaas ng popularidad ng bagong Philippine Idol na si Mau Marcelo lalo’t pinagtatapat sila ngayon ng kampeon din sa pagkanta ng Star in a Million na si Frenchie Dy.

Di namin nakuha ang reaksyon dito ni Mau dahil nasa kanyang bayan ito sa Quezon at ipinagdidiriwang pa ang kanyang pagkapanalo. Pero, nang tanungin namin si Frenchie tungkol sa napipinto nilang rivalry ay okay naman ito.

"Okay lang sa akin, pareho naman kaming malusog," ang sabi nito.

Bagaman at di pa totally magaling si Frenchie sa kanyang sakit na Bell’s Palsy, nasa huling yugto na ito ng kanyang therapy at acupuncture. Katunayan ay nakagawa na ito ng isang successful concert kamakailan lamang.

Isang taon na siyang nasa pangangalaga ng Backroom.
* * *
Humanga ako sa pagiging down to earth ng CEO ng ABS CBN na si G. Gaby Lopez. Di ko inakala na makakaya itong mapasayaw ng "Boom Tarat" ng host ng Wowowee na si Willie Revillame pero, sumayaw ito sa gitna ng katuwaan ng lahat. Ganundin ang ibang mga bossing ng network na sina Deo Endrinal, Enrico Santos, Charo Santos Concio at marami pang iba.

Ang ganda ng finale ng show na kung saan ay nagsama-sama ang lahat ng mga bossing at talents ng ABS CBN. Isang magandang Pamasko ang Tuloy ang Pasko concert ng ABS CBN na mapapanood sa December 17 sa TV.

As of presstime ay may balitang hindi sinipot ni Willie ang kanyang noontime program dahil nagtatampo raw ito kay Enrico Santos sa pagkakatulak nito sa kanya during the show. Kung hindi siya naharangan ng sound system ay baka raw tuluy-tuloy siyang nahulog sa stage. - Veronica R. Samio

BOOM TARAT

CHARO SANTOS CONCIO

DEO ENDRINAL

ENRICO SANTOS

FRENCHIE

FRENCHIE DY

GABY LOPEZ

ISANG

MAU MARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with