^

PSN Showbiz

X‘mas gifts ni Richard sa kanyang loved ones

-
Pag si Richard Gutierrez ang magbibigay ng Christmas gift kay Annabelle Rama, kailangan mamahaling bag o alahas pero, kapag si Eddie Gutierrez naman, maski ano, tuwang-tuwa na ito.

Hirap sa pag-iisip si Richard Gutierrez kung anong gift ang ibibigay niya sa mga mahal niya sa buhay ngayong Pasko, pamilya, kaibigan o mga special someones. Tulad ng kapareha niya sa Mano Po5: Gua Ai Di na si Angel Locsin.

"Si Angel madali lang regaluhan yan. Actually ang kailangan lamang niya ay tulog dahil parati siyang busy at walang time magpahinga. Kung may kapangyarihan akong ibigay ito, ito ang ibibigay ko sa kanya."

Wala pa siyang naiisip na regalo sa kanyang Ate Ruffa (Gutierrez).

"I want to be thoughtful to her, she’s been great to all of us, her family."

Ayaw din niyang sabihin kung ano ang regalo niya sa kanyang girlfriend na si Georgina. Pero sa iba pa niyang mahal, ang mga sumusunod ang mga regalo niya: Eddie Gutierrez, isang set ng putters dahil mahilig itong mag-golf.

Raymond,
his twin brother- isang plane ticket to Europe because "He loves to travel."

Ruffa’s, two daughters - toys.

Richie Paul
-a beautiful Brazilian model.

Mother Lily-
a boxoffice hit.

At sa sarili niya, anong ibibigay niya?

Yung pinakabagong MP3 at kahit di siya ang tipong one night stand guy, gusto niyang makasama ng isang gabi si Natalie Portman.

Huling nagkasama sina Richard at Angel sa I Will Always Love You na naging isang malaking tagumpay sa takilya. Sa Mano Po 5 ay inabot ng mahabang panahon ang mga writers ng movie na makaisip ng isang magandang istorya para sa kanilang dalawa tungkol sa pag-iibigan ng isang Tsino at Pinoy sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kasama pa rin sina Lorna Tolentino, Joel Torre at Christian Bautista.
* * *
Hangang-hanga naman ako habang nagsasalita ng Fookien si Lorna Tolentino sa presscon ng Mano Po5:Gua Ai Di. Sa sobrang galing niya, aakalain mo talaga na Intsik siya.

"Pinag-aralan ko talaga ito ng husto. At hanggang sa dubbing ay matiyaga akong binabantayan ng nagtuturo nito sa amin," anang magaling na aktres na di na namimili ngayon ng role.

"Kakaunti na lang ang nagpoprodyus. Kahit supporting role lang okay na. Sa akin naman walang lead o supporting roles, I give my best to all my roles," aniya pa na dahilan sa kanyang kahusayan ay baka manalo pa ng kanyang 1st best supporting actress para sa Mano Po 5.
* * *
May isang Indie film na pinrodyus ang Redo5 Luke Production which is produced, written and directed by Redo Ochoa, isang Pinoy na dito isinilang pero lumaki sa New York na kung saan ay nakagawa na siya ng mga walong pelikula.

Starring sa film niya sina Ryan Eigenmann, Joel Torre, Jaime Fabregas at Igy Boy Flores.
* * *
Sa Dec. 15 at 16, may malaking event na magaganap sa Nepo Mall Angeles na pinamagatang Pamiabe-Abe Queng Pampanga 2006 (Pagsasama-sama sa Nepo 2006) na magtatanghal ng mga activities tulad ng motorcade, raffle, dance showdown, Angeles Idol, parol, at choir competitions, hot air balloon display, kite exhibition at fireworks display.

Sa Dec. 15, magtatanghal ang Shamrock, Rocksteddy, Soappdish, Mayonnaise, K & D Boxers at sa Dec. 16, darating sina Dennis Trillo, Rainier Castillo, SOP Boys, Gerald Santos, Harry Santos, Aicelle Santos, Reuben Laurente, Gem Ramos, Ms. Hanna, Jennyn Mercado at True Faith. — Veronica R. Samio

AICELLE SANTOS

GUA AI DI

ISANG

JOEL TORRE

LORNA TOLENTINO

MANO PO

NIYA

RICHARD GUTIERREZ

SA DEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with