Kidding aside, ang sarap ng feeling habang naglalaro. Yung tipong kinakabahan ka sa final round dahil hindi mo ini-expect ang panalo.
Maraming may favorite sa On The Spot portion ng Eat Bulaga and gladly nag-invite sila ng 25 entertainment editor/writers na maglalaro sa nasabing portion last Saturday.
Join kami ng mga friends including Tita Vero Samio who also won P15,000. For a change nga naman, hindi presscon ang pupuntahan namin at kakaiba dahil may chance na manalo ng malaki-laking premyo.
Madali lang ang game so after ng opening number, On The Spot game na.
Out of 25 contestants, 7 ang pipiliin ng machine na makakasali sa final round.
Third finalist at number 20 ang winning number ko.
Pag natapatan ka at nasagot ang tanong nila, pipili ka ng box na ang may hawak ay sina Pauleen Luna, Julia Clarete, BJ Forres, Sugar at tatlong Mr. Pogi.
Nang ikuwento ko kay Lanie (kasama sa office) na magjo-join ako, sabi niya madalas daw na kay Pauleen ang winning box.
So nang makuha ang number ko, hinahanap ko sana si Pauleen. Buti na lang, pinili na siya ng kaibigang si Allan Diones. Wala pala sa kanya.
Kaya ang choice ko, si BJ.
Right choice dahil nasa kanya ang box ng P25,000 para sa jackpot round.
Kahit ina-assure nilang madali lang ang question, siyempre katakot pa rin dahil baka di ko masagot dahil sa kaba, nakakahiya.
Pero nang basahin na ni Allan K ang question, alam ko na ang answer. Ayun, nakakatawa at nakakasigaw na ako. Easy question lang naman kasi - ilan ang official entries sa Metro Manila Film Festival 2006?
Noon kasi, I remember, join din kami sa Weakiest Link ni Edu Manzano, sus, ako ang second weakiest link dahil kahit alam mo ang sagot minsan pag inunahan ka ng kaba, wala na. Di ka na makakasagot.
Thank God, hindi nangyari yun last Saturday sa On The Spot.
Anyway, grabe pag sa Eat Bulaga ka sumali, lahat yata ng tao nanonood kaya no wonder na sila talaga ang no. 1.
As in, daming text messages at nagsasabing nanood sila.
Sobrang nag-enjoy kami sa nasabing experience. Aside from I won a huge amount, cellphone at MP3, iba yung saya.
Wala talagang kupas ang Eat Bulaga. Imagine, hanggang sa Cebu maraming nagti-text since meron kaming column sa Freeman.
Anyway, thanks sa hosts, staff and crew ng Eat Bulaga. Surely a wonderful experienced.
Mismong si Mr. Alonzo ang personal na nakikipag-usap sa mga artistang lalagyan ng yapak sina Sen. Bong Revilla, National Artist Eddie Romero and Mother Lily Monteverde.
Ready to fight na si Mr. Gabby Lopez nang makatsika namin sandali sa special get together with the entertainment editors last Tuesday over lunch.
Bihira lang mangyari ang ganitong pagkakataon kay Mr. Lopez pero surprisingly, sumagot siya sa nasabing issue.
Kaya watch na!