"Ayaw ko pang magkaroon ng karelasyon dahil nagko-concentrate pa ako sa aking career. Mag-aasawa lang ako pagdating ko ng tamang edad, 25 years old. Araw-araw nagtatawagan kami ni Marvin at very sweet naman siya. Pag nagugutom ako ay nagpapadala agad siya ng pagkain," sey nito.
"Ayaw kong humiwalay sa pamilya ko for security purposes. Walang mas mag-aalaga kaysa tunay mong pamilya. Kuntento ako at mas masaya sa piling ng mga magulang ko at kapatid," sey ng magandang aktres.
Ratsada ngayon ang career ni Toni dahil bukod sa TV shows ay may gagawin pa rin itong pelikula na pang-post Valentine presentation ng Star Cinema tentatively titled Huli Ka kasama sina Sam Milby at Zanjoe Marudo. Palapit na rin ang Pinoy Big Brother Season 2 kung saan siya pa rin ang magiging host. Endorser ito ng Bluewater Spa katambal si Brad Turvey.
"Dapat niyang ipa-scrub ang kilikili para pumuti ito. Ngayon pa namang ratsada ang kanyang career," sey ng isang mataray na reporter.
Visible sa soap opera ang young actress at magaling ding kumanta. - Emy Abuan