"Hindi naman nakakatakot, mas nakaka-excite pa nga, nakalimutan ko nga na takot ako sa mga matataas na lugar. Kaya lang matitigas na ang mga kamay ko. Parang kamay ng lalaki, puro kalyo na, paano kasi ang ginamit kong arnis, gawa sa bato, talagang mabigat. Pero kahit ganito parang mas madaling gawin ito kesa magpa-sexy sa cover ng mga magazines," sabi niya, sabay explain na hindi naman niya sinasara ang kanyang doors para magpa-sexy sa covers ng mens mags pero, "Hindi pa ako handa sa ngayon," paliwanag niya.
Dadagdagan pa niya ang kanyang kaalaman sa martial artis dahil mag-aaral siya ng isang Brazilian form of martial arts, ang Ca Poera, para sa susunod niyang TV series.
Samantala, sumailalim din si Angel Locsin sa martial arts para naman sa kanyang TV series din with Robin Padilla. Pwede ba siyang i-categorize na action princess din? Sino naman ang action queen kung dala-dalawa silang action princesses ni Jennylyn?