Retro Xmas ng Star Group Dealers
December 9, 2006 | 12:00am
Walang umuwing luhaan sa ginanap na dealers party ng Star Group of Publications last Wednesday night na ginanap sa Amoranto Multi Purpose Hall sa Quezon City.
As in may ngiting umalis sa venue ang mga masisipag na dealers ng Philippine Star, Pilipino Star Ngayon at Pang Masa (PM). Hindi lang dahil sa mga prizes na ipinamigay na ang grand prize ay Suzuki motorcycle worth almost P60,000, sa masasarap na food kundi sa mga exciting na contest ng mga dealers sa buong Pilipinas.
Mas nakadagdag ng excitement ang retro theme. Nagkaroon din ng sing and dance competition. Tatlong group ang naki-join sa production number. May presentation na ala-Elvis Presley na nag-uwi ng grand prize worth P20,000.
Nag-uwi ng P15,000 ang second placer at P10,000 ang 3rd placer respectively.
Namili rin ng Male and Female Star of the Night. In fairness, nag-effort ang mga dealers ng Philippine Star, PSN and PM na magbihis ng retro.
Ang cute ng mga suot nila kasi naka-announce naman sa invitation na kailangang naka-bihis sila ng retro dahil may special prizes na naka-ready para sa kanila.
Although hindi lahat ay dumating na naka-outfit, nakakatuwa namang ang mga anak nila (dealers) ang nagsuot ng retro. Kaya ayon, join ang ibang mga anak-anak nila.
Pero kailangang mamili lang ng 10 finalist at male/female star of the night.
Nag-uwi ng tig-10,000 gift certificate ang nanalo.
Na-excite lalo ang dealers nang dumating sina Sarah Geronimo, Rufa Mae Quinto, Erik Santos, Michelle Estevez at Go Girls.
Naunang nag-perform si Rufa Mae na kumanta ng "Ocean Deep." Actually, two songs ang kinanta ng sexy actress.
Mawawala ba si Erik kung andon si Rufa Mae? Of course not. Nag-two songs siya.
The usual Rufa Mae ang dumating. So, nag-enjoy ang kalalakihan sa dalawang sexy songs niya.
Si Erik naman, siyempre enjoy ang mga girls sa kanyang song na "Your Love."
Kagulo naman ang lahat nang dumating si Sarah. Bata, matanda, lalaki at babae, sigawan. Lalo na nang kantahin niya ang "Bituing Walang Ningning."
Kasama niyang dumating ang parents niya sa nasabing party at nag-dinner sila.
Nag-stay sila at game na nakipag-pictorial sa lahat nang gustong magkaroon ng souvenir sa kanya. Actually, parang fans day pagdating sa labas ng venue.
Nag-init naman ang dugo ng kalalakihan sa Go Girls. Grabe, as in halos two piece na lang tapos nagsayaw pa sila ng sexy, kaya ayun malamang maraming naiinitan.
Feel na feel ng lahat ang excitement ng Pasko na isa sa pinakamasayang panahon sa buong taon.
Fifteen years na itong ginagawa ng Star Group of Publications bilang pasasalamat sa lahat ng mga masisipag na dealers ng Philippine Star, PSN at PM. Salve V. Asis

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended