Dra. Vicki Belo, galit ng press?
December 9, 2006 | 12:00am
Na-curious kami ng mapanood namin sa Pinoy Dream Academy ang Touch Music Video or TMV na ginagamit ng mga scholar kapag nagri-rehearse sila na wala ang kanilang mga voice music teacher. Kaagad naming tinanong sa PDA staff kung anong klaseng tv yun dahil bakit maraming lamang kanta.
At ang kaswal lang na sagot sa amin ay, "Sponsor po yun, na naglalaman ng libu-libong kanta, uso na raw yun sa mga sing-a-long bars."
Naghanap kami sa mga appliance store pero wala kaming mahanap yun pala, hindi pa siya commercially distributed na pag-aari ni Bambi Fonacier na dating may-ari ng Odyssey Records na napangasawa naman ni Beth Lorenzana na kapatid ng dating singer na si Joanne Lorenzana.
Recently ay nagkaroon ng press-launch ang Touch Music Video at ipinakita dito kung paano naka-restore ang mga lumang kantang hindi na nabibili ngayon sa record bars.
Mala-juke box ang TMV na kapag pinindot mo ay lalabas ang awiting gusto mong kantahin. Ang pagkakaiba lang, walang baryang hinuhulog sa TMV kundi touch system lang.
Pang-mayaman naman ang TMV say namin kay Beth, "Hindi naman, affordable sa mga middle class kasi puwedeng hindi mo naman bilhin yung buong system, puwedeng yung installer lang na mura lang with almost one thousand songs na naroon at puwede mong ikabit sa personal computer mo.
At ang first ever client ng TMV ay walang iba kundi si Tape, Inc producer Tony Tuviera na siyang ginagamit ngayon sa Zirkoh Greenhills.
Tanong ni direk Quark Henares sa ilang entertainment press kung ano raw ba ang atraso sa kanila ng kanyang inang si Dra. Vicki Belo?
Nagulat kami dahil bakit ganito ang punto ng usapan namin ng director ng Super Noypi.
"Hurt lang ako kasi bakit tinitira ang mom ko gayong wala naman siyang sinabing masama sa press.
"As far as I know, my mom loves the print media, both broadsheets and tabloids kasi alam niyang malaki ang naitutulong ng mga ito for Belo Medical Clinic, so saan nagmula?
"Tapos may personal na tira sa mom ko na ang tanong ko, ano bang nagawang atraso ng nanay ko sa tumitira sa kanya ng personal? I know my mom was very nice to everybody especially sa mga tumitira sa kanya ng personal.
"Kung may ipagtatanggol kang kaibigan, fine, pero walang personalan," nakangiti pero malamang paliwanag ng batang director. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended