Jose, nagsimula sa Boyoyong Clowns
December 9, 2006 | 12:00am
Marami ang hindi nakakaalam na ang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga na si Jose Manalo ay nagsimula bilang clown ng Boyoyong Clowns na madalas maimbitahan sa ibat ibang childrens parties. Tatlong taon ding tumagal ang trabahong ito si Jose mula 1985 hanggang 1988. Taong 1992 naman nang mapabilang siya sa isang sikat na panghapong teleserye, ang Valiente na produced ng TAPE, Inc. na siya ring producer ng Eat Bulaga. At nung 1996, nagsimula naman siyang maging production assistant ng Eat Bulaga hanggang sa siyay maging floor director na tumagal din ng walong taon. Bilang floor director, madalas mag-feed ng mga comedy lines si Jose sa mga hosts ng programa hanggang isang beses nung 2002 ay binigyan siya ng break na mapabilang sa programa hindi na bilang floor director kundi bilang isa sa mga hosts ng programa. Doon ay unti-unting nahasa ang talent ni Jose bilang isang komedyante at itoy hindi naging lingid sa kaalaman ng kanyang mga kasamahan sa programa lalung-lalo na ang pioneer host na si Vic Sotto na matagal-tagal na ring walang sidekick magmula nang mawala sa eksena si Ritchie d Horsie.
"Very talented si Jose. Bukod sa mahusay kumanta, maganda ang kanyang timing sa comedy," pahayag ng bida ng Enteng Kabisote 3.
Dahil sa sobrang closeness ng dalawa, nakukuha pang biruin ni Jose si Vic ng ganito, "Dumikit ka lang sa akin at tiyak na malayo ang mararating mo. Basta kumaway-kaway ka lang at tiyak na sisikat ka."
Pangarap sana noon ni Jose na maging civil engineer pero hanggang first year college lamang siya umabot.
"Bukod kay Bossing (Vic) at sa mga kasamahan ko sa Eat Bulaga na para ko na ring pangalawang pamilya, gusto ko ring pasalamatan ang mga manonood na sumusuporta rin sa akin. Bale wala rin naman ako kung hindi nila ako tanggap," aniya.
Matapos mahiwalay si Jose sa kanyang unang misis na si Analyn (Lyn) Santos na umabot ng 13 taon, muli silang nagkabalikan nung 2002 at meron na silang tatlong anak. May dalawa naman siyang anak sa kanyang second (ex) wife.
Samantala, hindi inaasahan ni Jose na siya ang tatanghaling Best Supporting Actor nung 2005 Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa topgrossing movie na Enteng Kabisote: Okay Ka, Fairy Ko (The Legend Continues) na joint production ng OctoArts Films at M-Zet TV Productions.
"Bonus na po sa akin ang pagkakapanalo ko sa MMFF ng award. Ang mapasama lamang sa pelikula ni Bossing (Vic) ay isa nang malaking honor para sa akin," pakumbaba niyang pahayag. Aster A. Amoyo

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended