^

PSN Showbiz

Hanggang ngayon, crush pa rin ni direk Quark si Sheryl!

-
Twelve years old pa lamang si Direk Quark Henares nung magkaro’n siya ng crush kay Sheryl Cruz. Palagi niya itong pinanonood sa That’s Entertainment. Si Sheryl din ang dahilan kaya tinanggap niyang magdirek ng Shake, Rattle & Roll 8 gayong napagdesisyunan na niya na pagkatapos ng Super Noypi ay di muna siya gagawa ng pelikula sa Regal. Pumunta pa siya sa set ng pelikula para lang ito makita.

"Masyadong malaki ang naging pressure ko sa paggawa ng Super Noypi, pressure sa maraming tao at kung saan-saan pa. Pero, sa nakita ko, the movie will do well, para ito sa lahat, sa mga kabataan at lalo na sa mga bata," sabi niya.

Star ng Super Noypi sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, John Prats, Polo Ravales, Sandara Park, Katrina Halili at Andrew Muhlach.

May Regal MMFFP Sunday Special na palabas sa Dis. 10, 2:30 NH, pagkatapos ng SOP na kung saan mapapanood ang behind-the-scenes ng mga filmfest entries ng Regal.
* * *
Nasa Central Plaza ng Market! Market! ang buong barkada ng Unang Hirit, paboritong morning show ng GMA7 na nagdiriwang ng kanyang ikapitong anibersaryo.

Magkakaro’n dito ng isang mini concert at fair na tatampukan ng Mojofly, mga bigating banda at ilang artista. Mapapanood ng 1NH.

Samantala, mapapanood na ang Christmas commercial ng GMA7, isang Paskong Pilipino na mula sa Kapuso. Bagaman at wala itong naglalakihang artista at magarbong backdrop pero nagagawa nitong ipadama ang sarap ng Pasko sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kabataang Pinoy sa paggayak ng kanilang mga tahanan at barangay. Ipinakikita rin ang kinamulatan nating caroling gamit ang mga pinitpit na lata at barya, ang family reunion na mas pinasaya ng pagbabalik-bayan ng isang amang OFW.

Hindi kumpleto ang Pasko kung walang Simbang Gabi mula simula hanggang katapusan kaya meron nito sa komersyal.— Veronica R. Samio

vuukle comment

ANDREW MUHLACH

DIREK QUARK HENARES

JENNYLYN MERCADO

JOHN PRATS

KATRINA HALILI

MARK HERRAS

NASA CENTRAL PLAZA

PASKO

SUPER NOYPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with