^

PSN Showbiz

Producer ng Pamana, umiyak sa kita ng pelikula

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Grabe pala ang nangyari sa pelikulang Ang Pamana (The Inheritance). Literal daw na umiyak ang producer ng nasabing pelikula dahil sa malaking lugi nito.

Ayon sa isang source, hindi man lang na-recover ng producer, ang Fil-Canadian na si Romeo Candido ang kahit 1/4 sa investment nila sa pelikula. Inabot daw kasi ng halos P18 million ang nagastos sa nasabing pelikula starring Phoemela Barranda. Ang siste nang mag-open daw ito sa mga sinehan two weeks ago, P150,000 lang ang kinita.

"Hindi alam ngayon ng producer kung ano ang gagawin nila kasi talagang malaking pera ang nawala," sabi ng source.

Sayang ang pelikulang ito, ang ganda pa naman at sobrang nakakatakot. In fact, graded A pa nga ito ng Cinema Evaluation Board.

Sobra kasing nakaka-afraid at maganda ang execution. Sad lang talaga na kakaunti ang nanood.

Meron nga akong isang friend na nang manonood siya sa Gateway theater, lumabas na lang siya sa may umpisa pa lang ng movie dahil natakot siya. Iilan lang kasi sila sa loob ng sinehan.

Sad lang talaga na kahit anong ganda ng pelikula, pag walang gaanong promo sa television hindi gaanong kumikita.

Dapat ding panghinayangan ng marami ang pelikulang Inang Yaya starring Maricel Soriano. Hindi rin ito gaanong kumita nang mag-open sa Metro Manila theaters last week. Pero sure akong magga-grand slam dito as best actress si Maricel.

Although may promo ang Inang Yaya sa TV, parang kinapos pa rin dahil hindi masyadong tinao ang mga sinehan.
* * *
Kung may Walk of Fame si Kuya Germs sa Eastwood, magkakaroon naman ng Yapak ang Baguio City. Ang nasabing project ilo-launch sa December 14, kasabay ng Parade of Star sa Pines City ng Metro Manila Film Festival 2006.

Ang nasabing proyekto ay sa pangunguna ng Baguio Film Festival Inc. headed by Mr. Chinggoy Alonzo.

Like Walk of Fame na stars ang nakalagay, sa Yapak, mismong yapak ng mga artista ang magma-mark tulad sa Amerika.

Unang bibigyan nila ng Yapak sina Sen. Bong Revilla, National Artist Eddie Romero, Cesar Montano and Regal Films producer Mother Lily Monteverde.

Sa SM Baguio ilalagay ang Yapak. Every year lang sila magdadagdag ng mga deserving names na malaki ang naiambag sa industriya ng local showbiz.

Isa pang magandang kuwento ni Mr. Alonzo, may free movie day din pala sila sa SM Baguio during the festival week para sa lahat ng senior citizen card holders. As in lahat ng lolo at lola natin, puwedeng manood ng sine pero siyempre dapat may kasama sila.

Simultaneous ang showing ng siyam na pelikulang kasali sa MMFF sa Metro Manila at Baguio City sa Christmas raw.

Ang benefit ng mga nasabing project ay ang Baguio Community Volunteers Movements na ang advocacy ay environment — clean water, clean air and good governance.

Year 2004 nang i-launch ang Baguio Film Festival Incorporated.
* * *
Opening today ng bagong branch ng Miladay (jewelry chain ng mga Dayrit) sa SM North Edsa sa bagong bukas na The Block .

Ang opening and ribbon cutting ceremonies will be officiated by Quezon City Mayor Sonny Belmonte, Anne Curtis, Mr. Ric Camaligan ng SM Cinemas and Ms. Lilet Tan ng Reader’s Digest kung saan sa recent Reader’s Digest’s consumer survey, ang Miladay was named as one its Most trusted Brands in 2006.

Ika-8th branch ng Miladay ang bubuksan sa The Block ngayong hapon, 5:00 p.m.

May mga exciting prizes ang naghihintay sa lucky shoppers — trip to Hongkong Disneyland inclusive of air ticket and hotel accommodation; trip to Brunei via Royal Brunei Airlines; trips for two to Shangri-la Mactan, Cebu, Antulang Beach Resort in Dumaguete, El Rio Y Mar sa Palawan, Mandala Resort in Boracay, PNKY’s Best and Breakfast Baguio, Sonya’s Bed and Breakfast at marami pang iba.

"We are sincerely happy with the recognition Reader’s Digest has given us," sabi ng Miladay President na si Michelle Dayrit-Soliven tungkol sa latest survey na nasabing popular magazine.

Ang nasabing negosyo ng mga alahas ay sinimulan noong 1966 nina Ting and Mila Dayrit sa kanilang bahay lang dati binibenta hanggang maging byword ang Miladay sa jewelry industry.

And after the death of Ting and Mila Dayrit, pinamahalaan na ito ng kanilang mga anak na sina Jaqui Boncan, Michelle, Mark, Christine and Yvonne.

Sa kanilang magkakapatid, si Ms. Cristine ang active ang participation local showbiz.

Right now, siya ang chairman ng Cinema Evaluation Board.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

BAGUIO

BAGUIO CITY

CINEMA EVALUATION BOARD

INANG YAYA

LANG

METRO MANILA

MILADAY

YAPAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with