Role ni Kristine sa Enteng, hindi susulutin ni Pia

Itinanggi ni Vic Sotto sa press launch ng Enteng Kabisote, Okay Ka Fairy Ko 3 na entry ngayong MMFF 2006 na hindi siya ang humaharang sa guestings ng ibang pelikulang kalaban niya sa Metro Manila Film Festival kundi ang producer mismo ng Eat Bulaga na si Mr. Tony Tuviera.

Ayon kay Vic, "Siguro for delicadeza na rin at respeto. Hindi pinapayagang mag-promote sa Bulaga ang ibang pelikulang kalaban ko sa MMFF at hindi ako ang may desisyon no’n kundi ang producer mismo namin.

"Pero yung mga trailer ay lumulusot naman, in fact everyday, may trailer kaming pinapakita na ibang pelikula, hindi lang Enteng."

Ganito rin ang naging kaso noon sa Mulawin, The Movie na produced ng GMA Films na hindi rin nakapag-promote sa EB at the same thing with Enteng Kabisote 2 na hindi rin nakapag-promote masyado sa ibang GMA shows, maliban sa Sis.

Samantala, tiniyak ng M-ZET at OctoArts insider na may Enteng Kabisote 4 na at si Kristine Hermosa pa rin ang leading lady ni bossing Vic at hindi siya papalitan ni Pia Guanio.
* * *
Ngayong araw, Huwebes ang press interview ni 12th expelled Pinoy Dream Academy scholar Eman Abatayo at sana’y sagutin niya kung ano ang real score nila ni Irish Fullerton ng California na matagal nang sitsit ng taga-PDA na may mutual understanding sila at hindi lang ito inaamin on air ng dalawa dahil nga may girlfriend na naiwan sa Iloilo City ang una.

Kaya naman nung lumabas ng academy si Eman ay gayun na lang ang lungkot ni Irish dahil mami-miss niya ang samahan nila ng binata na nag-umpisa sa pagmamasahe sa kanya.

At napansin din ang kakaibang yakapan ng dalawa sa debut party ni Yeng Constantino na ginanap sa garden ng academy kung saan dumalo lahat ang expelled scholars maliban kay Jun Hirano ng Japan.

At nung makita na siya ni Irish ay todo ang yakapan nila at pati sa pagsasayaw ay sila ang magka-partner.

Ang alam namin ay magi-stay na rito sa Pilipinas for good si Irish, kasama ang ilang global scholars na sina Michelle Bond, Gemma Fitzgerald at Joan Ilagan bukod pa sa may isang taong kontrata sila sa PDA.

Ang tanong, paano na ang probinsiyanang girlfriend ni Eman na nagseselos na pala ng todo sa dalagang taga-US?

Samantala, sa Linggo, December 10 na malalaman kung sino sa natitirang walong scholars na sina sina Panky Trinidad, Rosita Bareng, Chad Peralta, Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, Yeng Constantino, Yvan Lambatan at Ronnie Liang ang may lowest text votes at sila ang automatically palalayasin sa loob ng academy.

At sa December 16, Sabado naman ang showdown ng natitirang top 6 para sa 1st Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy.
* * *
Gaano katotoo na matsutsugi na raw ang Magpakailanman ni Mel Tiangco dahil hindi raw ito kumikita maski na mataas ang ratings.

Medyo mahirap paniwalaan ang tsikang ito dahil pride ng GMA-7 ang MKM ‘no lalo na’t nagpalit ng araw ang Maalaala Mo Kaya na ibig sabihin ay tinalo ng MKM at MMK.

Bale ba, bilang na raw ang araw ng nasabing programa ng kilalang tv host kaya’t yung ibang staff daw ng MKM ay inilagay na sa programang Princess Charming na airing na next year.

Kinuha namin ang side ng executive producer ng MKM na si Joseph Buncalan at ang say niya, "Ay hindi ko alam yang issue na yan, wala naman yatang ganyan. Hindi naman totoong mawawala na ang Magpakailanman."

At inamin niyang siya na ang EP ng Princess Charming at gusto pa namin sana siyang tsikahin pero nagsabi siyang nasa Singapore siya. – REGGEE BONOAN

Show comments