Cesar, may ganting taray kay Borgy

Walang immediate plan si Cesar Montano na mag-pulitika kaya, mali ang pagsama ni Borgy Manotoc sa pangalan ng actor-director as the worst celebrity politician if ever pumasok sa politics. Ayun, nakatikim tuloy ang binata ni Rep. Imee Marcos ng taray sa pinakawalan nitong "I thought the Marcoses are the worst politicians."

Nasa Los Angeles, California si Cesar nang ma-report ang pang-ookray ni Borgy sa mga taga-showbis kaya, delayed ang kanyang reaction pero, maanghang pa rin. Wonder kung paano ito sasagutin ng mga Marcoses.

Samantala, mas maiksi at sanitized version ng trailer ng Ligalig ang ipinapalabas sa TV ngayon. Iniksian ni Cesar ang love scene nila ni Gwen Garci para payagan ng MTRCB na mai-plug. Pero, sa pelikula, mas mahaba ang love scene at makikita ang totally nude bodies nila ni Gwen Garci at sa iri-release na Director’s Cut ng movie, kita ang dapat makita.

Parehong walang plaster sa kanilang private parts at inamin ni Cesar na tinablan siya sa nasabing eksena dahil maganda, sexy at makinis ang dalaga. Napaka-erotic daw ng eksena at alam niyang magseselos si Sunshine Cruz ‘pag napanood ito. Kaya lang daw ‘di siya nag-focus ng husto sa ginagawa nila ni Gwen at sa katawan nito dahil siya ang director.

Suspense-thriller ang movie and in fairness, sa trailer pa lang, may fear factor na at isa ito sa entry sa Metro Manila Film Festival na may pinakamagandang trailer. Hollywoodish ang dating pati ang black and white poster na silhouette lang ng isang major cast ang nakikita.
* * *
Sobrang saya ni Chocoleit sa pagkakasama niya sa cast ng Zsa Zsa Zaturnnah Zee Mooveh kaya, kahit na-"kebs" siya ni Allan K, ‘di pa rin nito iindahin. In fact, naiyak sa tuwa ang bading nang mapanood ang trailer ng movie sa rami ng eksena niyang ipinakita. Ipinagmalaki nitong 95 percent ang exposure niya bilang si Didi.

Sumaya pang lalo si Chocoleit nang makita ang poster ng movie dahil kahit wala siyang litrato, maganda ang placing ng kanyang pangalan. Biggest break niya ito at dahil may eight-picture contract sa Regal, tiyak na masusundan pa ang paggawa ng pelikula.

Si Roderick Paulate ang inspirasyon ni Chocoleit. Ito ang nagbukas ng kanyang mga mata na pwedeng maging artista ang gaya niyang ordinaryong tao. – NITZ MIRALES

Show comments