"Tita, wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol dyan. Ako nga iniintriga rin na may bagong nililigawan pero wala naman. May tiwala kami ni Ara sa isat isa kaya di kami magpapaapekto sa intriga. Mahal na mahal ko siya gayundin siya sa akin kaya di ako apektado kahit prinsipe pa ang manligaw sa kanya," paliwanag ni Polo.
Hindi pa niya alam kung ano ang ireregalo niya sa nobya this Christmas. "Binigyan ko siya ng watch last Xmas at siya naman play station ang ibinigay niya sa akin. Pero definitely magkasama kami ni Ara at baka dun ako pumunta sa bahay ng mommy niya para iselebrayt ang Kapaskuhan," dagdag pa nito.
Boto ang pamilya ni Polo kay Ara dahil matino itong babae at mabait pa sa pamilya niya.
"Siempre po nakalampas na ako sa goody-goody at pasweet-sweet na role dahil may asawa na ako ngayon. Natutuwa naman ako dahil sa magandang feedback na natatanggap ko tungkol sa pagiging masama ng ugali ko sa Bakekang. Ibig sabihin epektibo yung pagiging kontrabida ko. Pero dito sa Shake, Rattle and Roll 8 ay mabait naman ang karakter ko," aniya.
"Hindi ba nagseselos ang asawa mo kapag matindi ang halikan nyo ni Jay Manalo na gumaganap na mister mo?" tanong namin.
"Naiintindihan naman niya na trabaho lang ito at laking Amerika naman siya kaya understanding sa ginagawa ko kapag may project. Isa pa, kailangan naman yun sa istorya," sey pa ni She.
"Wala pa naman akong underwear. Mabuti na lang at maraming baong panty si Katrina Halili kaya binigyan niya ako," anang aktres.
First time na sasakay sa karosa ang Koreana sa MMFF Parade of Stars at kakaway sa kanyang mga tagahanga. Ngayon pa lang ay excited na ito. Emy Abuan Bautista