Anne, ayaw maki-pag-date kay Sam!

Inihahanda na pala as early as today ng designer ni Mayo Suzuki ang 18 gowns na gagamitin niya sa kanyang debut na gaganapin sa isang 5-star hotel dito sa Pilipinas next year.

Akala namin ay nagbibiro lang si Mayo nung press launch ng album niya na 18 gowns ang isusuot niya, kaya ang biruan namin ng assistant ng katotong Ogie Diaz ay, "Every 15 minutes, magpapalit siya ng gown para maisuot niya ang 18 gowns sa buong magdamag."

At habang narito sa Pilipinas ay nagkakawanggawa pala si Mayo at sa rami ng imbitasyon niya ay nalilito na siya kung ano ang uunahing puntahan.

Last Sunday, December 3 ay may show for a cause si Mayo para sa mga bata ng Craig Street, Sampaloc, Manila na maski umuulan ay tuloy ang show ng baguhang singer.

Mahilig pala sa mga bata si Mayo at alam niya ang hirap ng buhay dito sa "Pinas kaya’t namigay siya ng school supplies at groceries para sa 250 bata na ikinatuwa ng mga magulang na kapos din sa buhay.

Sadyang mapagbigay daw ang alagang ito ng katotong Ogie kaya’t biro namin sa kanya na maraming kasamahan tayo sa hanapbuhay ang kapos din sa buhay, matulungan din kaya sila ni Mayo?
* * *
May nag-text sa amin na in-invite na raw ni Sam Milby si Anne Curtis for dinner hindi lang daw napagbibigyan pa ng dalaga dahil busy ito.

"Taka kami kay Anne kasi parang hindi naman niya type si Sam maka-date. Pero okey naman sila sa set ng Maging Sino Ka Man, pag off-cam na, parang kanya-kanya na sila," mensahe pa sa amin

Dagdag pa na pareho naman daw single sina Sam at Anne at bagay na bagay silang dalawa, "Parang there’s something na humahadlang sa dalawa, hindi nga namin maintindihan kung bakit, pero kapag nakausap mo pareho sina Sam at Anne, pawang nice words ang maririnig mo," say pa sa amin.

Hindi nga kaya nagpapakipot lang si Anne kay Sam or baka naman nararamdaman pa ng dalaga na may Toni Gonzaga pa rin sa puso ng aktor?

"Si Toni nga kaya?" balik tanong sa amin ng taga-Dos.
* * *
Ang five-time gold winner sa 2006 World Championships for the Performing Arts (WCOPA) na si Kim Flores ay magkakaroon ng free concert para sa residents ng Parañaque City sa December 8, Friday na gaganapin sa SM Sucat parking lot.

Pinamagatang Pamaskong Kasiyahang Handog ng Parañaque, guests sina Erik Santos at Frenchie Dy.

At ang pinaka-wish ni Kim ngayong Pasko ay, "Sana po, mapasama ako sa ASAP 06 maski na semi-regular lang."— Reggee Bonoan

Show comments