^

PSN Showbiz

Dumating na ang break kay Marri

-
May dalawang taon na simula nang magpasya si Marri Nallos na gawin ang ‘Pinas na kanyang home base. Bagaman at ipinanganak siya’t lumaki sa London, ito ang bansa ng kanyang mga magulang na kapwa na matatagumpay sa negosyong food business sa London.

Isa sa pinaka-masaya at maganda ang album launch ni Marri na ginanap sa Virgin Cafe kahapon na kung saan ay nagparinig siya ng ilang awitin from her, album kasama na ang awiting "Dahil Mahal Kita", isang komposisyon ni Marizen Yanesa-Soriano na nakipag-duet pa sa kanya sa awiting ito.

Pinaka-gusto ko yung medley niya ng Christmas songs na sinaliwan siya ng isang quartet, Bukod sa napakaganda ng pagkakaawit nila nito ay maganda pa rin ang naging areglo nito.

Kung sa loob ng dalawang taon ay naging mabagal ang usad ng kanyang career, ang pagkanta niya ng theme song ng A Rosy Life ng GMA7 ang maituturing na isang magandang break para sa kanya. Ngayon pa lamang ay marami na ang nakakakilala sa kanya dahil mabilis ang recall ng "Dahil Mahal Kita" na talaga namang magandang awitin.

Regular na napapanood si Marri na tinaguriang Crystal Voice of Asia sa Casino Lounge (Mondays) at The Lounge ng Hyatt Hotel (Wednesdays.)

May mga special shows siya sa Macaleon, Quezon, Dis. 15; Iloilo, Dis. 16 at may Pasasalamat Concert siya sa Sta. Quiteria Chapel sa Caloocan City sa Dis. 30.
* * *
Nakapanghihinayang na ang isang multi-talent na tulad ni Gem Ramos ng Star Magic ay wala pang sarili niyang programa sa TV. Hindi lamang siya isang mahusay na dancer (7 taon lamang siya nang magsimula siyang kumuha ng lessons sa ballet, jazz, gymnastics, hiphop) na kung saang larangan ay kilalang kilala na siya kundi isa pa ring mahusay na singer. Nanalo siya bilang Best Dance Recording Artist sa Awit Awards ay may regular gigs siya sa Bedrock Malate at Conway’s ng Makati Shangri-La.

Isa rin siyang stand-up comedienne sa Punchline, Laffline at Metro Bar at isang commercial model (Creamsilk, Cloud 9, Coke, Kooky Biscuit, atbp.).

Isang graduate ng MassComm si Gem na pinursige ang showbiz dahil hilig niya.

At kung hindi pa ito sapat, isa pa rin mahusay na host si Gem na kasi-celebrate lamang ng kanyang 25th birthday nung Nov. 27 at mabenta sa mga corporate events at Casino Filipino shows. — Veronica R. Samio

vuukle comment

A ROSY LIFE

AWIT AWARDS

BEDROCK MALATE

BEST DANCE RECORDING ARTIST

CALOOCAN CITY

CASINO FILIPINO

CASINO LOUNGE

DAHIL MAHAL KITA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with