Sa Super Noypi halos aabot daw ng 20 minutes ang special effects, same with Zsa Zsa Zaturnnah.
Actually, kung trailer ang basehan, lahat ng pelikulang kasali sa MMFF ng Regal, exciting. Kahit yung Shake Rattle and Roll, nakakatakot.
Tapos na ang shooting ng mga nasabing pelikula kaya promo na lang ngayon ang inaayos ng Regal.
Kasi, proven na ang pagiging tsismosa niya. Yung tipong katatapos lang mangyayari, aba naibalita na agad niya sa mga gay friend niyang reporter.
Actually, hindi lang ganun, kahit hindi siya ang nakakita lets say kinuwento sa kanya ng friend niya na nakita niya si ganito na may kasama, pag nagkuwento na siya sa iba, ang dating siya na ang nakakita.
Minsan naman, nagulat na lang daw ang isa niyang kasama sa work dahil silang dalawa lang ang nakakaalam ng nangyari sa taping pero gulat ang kapwa niya actor dahil nabasa na agad niyang blind item sa tabloid ang nangyari samantalang silang dalawa lang ang nakakaalam.
Hay maganda pa naman sana ang actress na ito, kaya lang parang columnist ang orientation na ang layo sa image na pino-project.
Sayang lang at di na namin inabutan ni Ian Farinas ang question and answer portion kina Gretchen Barretto and Sen. Jinggoy Estrada nina Tita Ethel Ramos kung saan inurirat nila ang tungkol sa lovelife ng dalawa noong medyo bagets pa sila. Exciting daw ang sagot ng dalawa, kaya lang, lahat off the record kaya ayun hindi rin puwedeng isulat.
Kung sabagay, mga kaibigan lang naman ang nandoon kaya kahit siguro magkuwento si Gretchen hindi naman masusulat.
Anyway, aside from Gretchen at Jinggoy, full force ang mga kaibigan ni Tita Dolor, showbiz and politics.
Joke nga ng husband ni Tita Dolor na si Direk Boots Plata, ang sarap ng feeling dahil napagsama-sama nila ang mga friends nila.
Kasama sa circle friends nila sina Cong. Francis Escudero, Makati Mayor Jejomar Binay, Navotas Mayor Toby Tiangco with wife Michelle, Ms. Susan Roces, Dolphy, Ms. Maricel Soriano, Mother Lily Monteverde, Ms. Armida Siguion Reyna, Manay Ichu Maceda, Mrs. Gina de Venecia, Mr. Danny Dolor, Ethel Ramos, Shirley Kuan, Girlie Rodis, Andrea Bautista, Ms. Malou Choa Fagar, Paul Cabral, Joji Dingcong, Ricky Lo, Ronald Constantino, Korina Sanchez, Bibette Orteza and Direk Carlitos Siguion-Reyna at marami pang ibang kaibigan ni Tita Dolor.
Tita Dolor, happy birthday. SALVE ASIS