Napapanood na rin siya sa TV, sa ABS CBN, sa programang Super Inggo, bilang si Teg, isa pa ring hero sa Power Academy.
Bago siya nag-artista sa TV at pelikula ay napanood na siya sa mga komersyal ng Colgate, Lucky Me, Smart Telecom at Bisolvon.
Sa dami ng kanyang ginawa, marami nang pera si Andrew pero, sa kanyang gulang ay bawal pa sa kanya ang humawak at lalo na ang manghingi ng pera.
Wala ring kupas ang wit, humor and masterful direction ng lumikha ng mga classic films na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Aguila at Sinong Kapiling, Sinong Kasiping.
Mahuhusay ang pagganap nina Angel Aquino, Juliana Palermo, Alfred Vargas at Christopher de Leon. At maging ng mga suportang sina Chanda Romero, Jackie Aquino, Rodel Velayo at Bembol Roco.
Pero, higit sa lahat, ang husay ni Mon Confiado, lalo na sa kanyang breakdown scene. Love na love siya ng mga bakla na nanonood dahil naka-relate sila sa kanyang role. Sabi ko nga kay Mon nang makita ko siya ay parang ngayon lamang dumarating ang magagandang breaks sa kanya. Maganda ang role niya rito sa Faces of Love. Ganundin sa Super Noypi na isa siyang aswang, mabait na aswang na tatay ni John Prats. Nagsisimula na rin siya sa Asian Treasures ng GMA7, isang historial adventure soap nina Robin Padilla at Angel Locsin. Ang Super Noypi ay nasa direksyon ni Quark Henares. Ito namang Asian Treasures ay kay Eric Quizon.
Mapapanood ang mga kabataang ito sa Dis. 5 at 19 sa dalawang musical events.
Gaganapin naman ang grand finals ng Hataw Sayaw sa Dis. 9; samantalang hahataw ang Innovation Dance Co. sa Dis. 14, Marikina Dance Guild sa Dis. 12 at Breakzone Dancers sa Dis. 26.
Sa Dis. 30, 6NG, mapapanood si Gary V sa Riverbanks Amphitheater. VERONICA R. SAMIO