^

PSN Showbiz

Isa pang Muhlach sa showbiz

-
Walong taong gulang ang kapatid na ito nina Aga at Arlene na nagngangalang Andrew Muhlach. Maswerte siya at ang unang pelikula niya ay isang entry sa Metro Manila Film Festival, ang Super Noypi, isang futuristic film na kung saan ay isa siya sa pitong super heroes, ang power niya ay nagagawa niyang isang bola ang sarili niya. Kapatid siya ng dalawa pa ring super heroes na sina Mark Herras at Katrina Halili.

Napapanood na rin siya sa TV, sa ABS CBN, sa programang Super Inggo, bilang si Teg, isa pa ring hero sa Power Academy.

Bago siya nag-artista sa TV at pelikula ay napanood na siya sa mga komersyal ng Colgate, Lucky Me, Smart Telecom at Bisolvon.

Sa dami ng kanyang ginawa, marami nang pera si Andrew pero, sa kanyang gulang ay bawal pa sa kanya ang humawak at lalo na ang manghingi ng pera.
* * *
Isa sa napansin ko sa panonood ng premiere showing ng Faces of Love ni National Artist for Films na si Eddie Romero ay ang magagandang dialogue ng kanyang pelikula. Sa kabila ng may edad na rin si Direk ay makaka-relate ang mga kabataan sa mga binibitawang salita ng kanyang mga artista.

Wala ring kupas ang wit, humor and masterful direction ng lumikha ng mga classic films na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Aguila at Sino’ng Kapiling, Sino’ng Kasiping.

Mahuhusay ang pagganap nina Angel Aquino, Juliana Palermo, Alfred Vargas at Christopher de Leon. At maging ng mga suportang sina Chanda Romero, Jackie Aquino, Rodel Velayo at Bembol Roco.

Pero, higit sa lahat, ang husay ni Mon Confiado, lalo na sa kanyang breakdown scene. Love na love siya ng mga bakla na nanonood dahil naka-relate sila sa kanyang role. Sabi ko nga kay Mon nang makita ko siya ay parang ngayon lamang dumarating ang magagandang breaks sa kanya. Maganda ang role niya rito sa Faces of Love. Ganundin sa Super Noypi na isa siyang aswang, mabait na aswang na tatay ni John Prats. Nagsisimula na rin siya sa Asian Treasures ng GMA7, isang historial adventure soap nina Robin Padilla at Angel Locsin. Ang Super Noypi ay nasa direksyon ni Quark Henares. Ito namang Asian Treasures ay kay Eric Quizon.
* * *
Si Majella Protacio, 16 y/o ng Las Piñas ang nahirang na 1st Riverbanks Center Pop Idol sa ginanap na grand finals nito. Ang iba pang winners ay sina Daryl Tiburcio, 1st runner-up; Princess Pascual, 2nd runner-up; Ysraela Guarino at Chino Paulo Enriquez, 3rd & 4th runners-up.

Mapapanood ang mga kabataang ito sa Dis. 5 at 19 sa dalawang musical events.

Gaganapin naman ang grand finals ng Hataw Sayaw sa Dis. 9; samantalang hahataw ang Innovation Dance Co. sa Dis. 14, Marikina Dance Guild sa Dis. 12 at Breakzone Dancers sa Dis. 26.

Sa Dis. 30, 6NG, mapapanood si Gary V sa Riverbanks Amphitheater. – VERONICA R. SAMIO

ALFRED VARGAS

ANDREW MUHLACH

ANG SUPER NOYPI

ANGEL AQUINO

ASIAN TREASURES

FACES OF LOVE

SIYA

SUPER NOYPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with