^

PSN Showbiz

Effective na kontrabida

-
Akala mo kung sino si Mia Pangyarihan noong mag-taping ang Sexbomb sa Japan. Palaging outstanding ang kasuotan at animo’y may fashion show na sasalihan tuwing kasama ng grupo. Pa-impress talaga ang beauty niya.

At kung laitin niya si Rochelle Pangilinan, maluluma ang pulubing nanghihingi ng limos sa Sta. Cruz. Hindi na makakalimutan pa ni Rochelle noong tapunan siya ng mainit na kape ni Mia, noong di nito nagustuhan ang pagkakatimpla sa antipatikang Sexbomb girl.

Halata mong manggagamit si Mia, dahil kung mukha kang purita mirasol (poor) wala siyang panahon sa iyo. Kung kaya nga ba, ayaw niyang makipagkaibigan kay Rochelle ay dahil super morena ang kulay nito. Nakaranas talaga ng kaapihan si Rochelle sa kamay ng babaing ito na dineklarang may future maging top kontrabida sa grupo nila. Arte lang naman daw ang sinusunod ni Mia, kaya’t grabeng panlalait ang inaabot ni Rochelle kay Mia.

Nagulat nga si Direk Pat Perez, may ibubuga raw pala sa magagaspang na ugali sa acting sa kamera si Mia. Maging si Joy Cancio, producer ng Daisy Siete ay hindi mo makikitaan ng pagsisisi kung bakit si Mia ang ipinalit kay Sunshine Garcia sa ika-13 season ng top rated teleserye tuwing hapon sa GMA. Mata pa lang daw at kilay ni Mia, pakikinabangan na sa kontrabida role.

So, totoong lumalaki na ang ulo ni Mia dahil sunud-sunod ang papuring naririnig sa Daisy Siete? Kung totoo bang magtataas na rin siya ng presyo sa susunod na season ng Daisy Siete?

"Naku, hindi totoo yan. Wala sa isip ko ang bagay na yan." VIR GONZALES

vuukle comment

CRUZ

DAISY SIETE

DIREK PAT PEREZ

HALATA

JOY CANCIO

MIA

MIA PANGYARIHAN

ROCHELLE PANGILINAN

SEXBOMB

SUNSHINE GARCIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with