Sabi ni Lovi, "Marky and I are just good friends. He is a gentleman, pero di naman siya nanliligaw. At napakabata ko pa para mag-entertain ng suitors," sabi pa niya.
Anyway, witness kami sa pagbabati ng dalawa dahil join kami sa mall show ng dalaga sa SM Marilao noong nakaraang Linggo, pagkapanalo ni Lovi sa SOP Music Awards ng Best Breakthrough Artist (Solo Category). Pumunta rin doon si Cogie at nag-surprise appearance na may dala-dala pang one dozen white roses. Nalaman namin na favorite pala ni Lovi ang white roses. Kaya ayun, nagkabati na ang dalawa!
Nakita rin namin kung paano dumugin si Lovi ng mga fans. Nagkagulo talaga sa mga malls at kailangan pang magdagdag ng extra security. Krystal (ang character na ginagampanan ni Lovi sa Bakekang) ang tawag ng mga fans kay Lovi! Rodel Fernando