^

PSN Showbiz

Lovi, Cogie, may lovers’ quarrel

-
Totoo palang nagkatampuhan sina Cogie Domingo at Lovi Poe. Akala ni Cogie ay nagkakamabutihan na ang Bakekang star na sina Lovi at Marky Cielo. Ito’y dahil sa laging magkasama at magka-eksena ang dalawa sa Bakekang. Di pa pumapasok ang character ni Cogie sa teleserye bilang masugid na manliligaw ni Lovi, may intriga na!

Sabi ni Lovi, "Marky and I are just good friends. He is a gentleman, pero di naman siya nanliligaw. At napakabata ko pa para mag-entertain ng suitors," sabi pa niya.

Anyway, witness kami sa pagbabati ng dalawa dahil join kami sa mall show ng dalaga sa SM Marilao noong nakaraang Linggo, pagkapanalo ni Lovi sa SOP Music Awards ng Best Breakthrough Artist (Solo Category). Pumunta rin doon si Cogie at nag-surprise appearance na may dala-dala pang one dozen white roses. Nalaman namin na favorite pala ni Lovi ang white roses. Kaya ayun, nagkabati na ang dalawa!

Nakita rin namin kung paano dumugin si Lovi ng mga fans. Nagkagulo talaga sa mga malls at kailangan pang magdagdag ng extra security. Krystal (ang character na ginagampanan ni Lovi sa Bakekang) ang tawag ng mga fans kay Lovi! –Rodel Fernando

BAKEKANG

BEST BREAKTHROUGH ARTIST

COGIE DOMINGO

LOVI

LOVI POE

MARKY AND I

MARKY CIELO

MUSIC AWARDS

RODEL FERNANDO

SOLO CATEGORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with