Pati nga kung ano ang suot niyang damit noon, tandang-tanda pa niya. Nagkakwentuhan kami nina Tetchie at ilang kaibigan sa burol ni Franklin Cabaluna, na itinuring ng actress na tatay-tatayan simula pa noong magsimula siya sa showbiz, hanggang pumanaw nga ang veteran journalist last week.
"Naka-off shoulder akong white eyelet dress na may black sash noon," simula ng kwento ni Tetchie. "Nasa office ako ng isang publication kung saan editor-in-chief si Papang (Franklin). Kailangan kong maki-tawag sa phone to follow up some business deals."
Sa kanyang maigsing phone conversation, nairita si Tetchie dahil may umaangat ng extension phone at malakas na binabagsak ito ng ilang ulit. Hindi nakatiis, pinuntahan ang lugar ng extension at nakiusap sa isang babaeng sandali lang niya gagamitin ang telepono at importante ang tawag na yon.
Balik sa phone at usapan si Tetchie, pero nag-flare up na siya nang patuloy pa rin ang angat-bagsak ng nasa extension. That time, tensyonada na si Tetchie kayat naninigarilyo na.
Bigla niyang sinugod ang babae sa extension at pinatay ang kanyang sigarilyo sa pisngi mismo ng babaeng angat-bagsak.
Biglang nagrambulan ang dalawang chickas at kailangan pa nila ang apat o higit pang mga kalalakihan upang mapaghiwalay sila o maawat.
Ang mister ng bastos na girlas, doon din pala nagwo-work. Nagsumbong ito kay Fraklin at sinabing ginawang ash tray ni Tetchie ang mukha ng kanyang misis na mataray.
Tanging ang asawa lang naman ng mataray ang nagreklamo dahil marami na palang kagalit ito sa publication dahil sa sobrang taray. Nagpalakpakan pa sila sa nasabing violent reaction ni Tetchie.
Na-confront naman ni Franklin si Tetchie at sinabi pang ang mister ng babae ay avid fan ng artista, pinatunayan pa ito sa pagpapakita ng picture ni Tetchie na palaging nasa wallet ng lalaki. Sabi pa ni mister," "Sayang fan na fan pa naman niya ako."
Kahit noon pang matapos gawin ni Tetchie ang magmistulang ash tray ang mukha ng kanyang kaaway, nagsisi na siya ng husto. Lalo pa siyang na-guilty nang marinig ang sinabi ng mister nung nakaaway kay Franklin.
Kayat pinangako ni Tetchie na hinding-hindi na siya makikipag-away at magiging pasensyosa na siya palagi.
Katatapos pa lang niyang gampanan ang papel bilang ina ni Jolina Magdangal sa I Luv NY at malamang na magsimula siya sa isang bagong telenobela.