"Hindi ko na naisip na hindi magiging maganda ang pagtanggap ng marami sa ginawa kong paglabas sa ABS CBN, matagal na akong iniimbita ni Kuya Boy (Abunda), sa Europe pa lamang pero hindi umuubra dahil nga sa sked ko kaya nang magkaron ng chance, agad akong pumayag.
"Wala naman akong negative feeling pero, tinatanggap ko na sana nga nagpaalam muna ako pero, siguro nalito lang ako kaya nalimutan ko, thankful naman ako na naintindihan ako ng GMA," ani Jolens na maganda sa kanyang bagong haircut. "Matagal na rin itong plano, ngayon lang nagkaron ng katuparan. Kailangan ko ito, para maiba naman ang looks ko, para hindi magsawa ang tao," dagdag pa ng artista na pagkadating mula sa kanyang matagumpay na concert sa Europe, ay tumanggap ng Serviam Award mula sa Catholic Mass Media Awards. Ibinibigay ito sa isang tao na malaki ang naitutulong sa mga less fortunate.
Dadaluhan ito ng mga celebrities tulad nina Ciara Sotto, Angelica Jones, Kathleen Hermosa, Jerome Abalos, Katherine de Castro Franzen Fajardo, Roxanne Guinoo, Neri Naig, Aaron Villaflor at Mich Dulce.
Ang kikitain mula dito ay mapupunta sa Phil. Binondo Volunteers Brigade.
Para sa ibang detalye, tumawag sa 5316350/5316374 at hanapin si Armand Bernardino.
Isa sa mga offers ay isang dalawang gabing concert sa Music Museum, Disyembre 14 at 15, na pinamagatang Back To Basics. Magiging isang magagandang pagkakataon ito para kay Agot na muling balikan ang isang bagay na mahal niya, ang pagkanta. Makakasama niya ang The Company sa unang gabi at ang The New Minstrels sa pangalawang gabi. Ipakikilala rin sa kanyang concert si Shawn David, bagong artist ng Holiday Records at United Multiart Prods. Inc..
Meron din itong mga komposisyon nina Vehnee Saturno ("Di Na Babalik Pa"), Larry Hermoso ("Bakit Iniwan Mo"), Barbie Dumlao ("Bago Magbukas"), Ricky Sanchez ("Ang Lahat Para Sa Yo") at ang sariling komposisyon ni Sheryn na "Pusong Lito".