Borgy, aawayin ni Gwen!

Pagkatapos ni Andrew Wolff, may bagong aawayin si Gwen Garci at ito’y si Borgy Manotoc. Siya kasi ang binanggit ng binata na worst dressed celebrity nang mag-guest ito sa radio show ni Mo Twister last Wednesday sa Magic 89.9. May explanation pa ang panganay ni Rep. Imee Marcos sa pagkakapili kay Gwen as his worst dressed celeb.

Hindi palalagpasin ni Gwen ang sinabi ni Borgy na she’s stuck in the 80’s at puro neon from head to toe ang kanyang suot. Sana, nasa second presscon ng Ligalig ang dalaga para sagutin ang pasaring sa kanya ni Borgy.
* * *
Si Victor Basa pa ang nahiya nang malamang crush siya ng ka-love team sa Star Magic Presents Abt Ur Luv na si Carla Humphries. Nag-blush ito sa pagiging vocal ng dalaga na type siya at personal choice makapareha sa show ng ABS-CBN dahil guwapo siya at mabait.

Puring-puri rin ni Victor si Carla dahil very friendly, maganda at comfortable siyang katrabaho ito. Pero, kahit physically attracted siya, wala siyang planong ligawan at trabaho ang kanyang priority. Maliban na lang kung magka-developan sila’t mahirap pigilan yun.

Talagang magkaka-developan ang dalawa dahil lovers ang role nila sa AUL. Ang episode this Saturday ng show entitled Tuesday Bukols, makikita kung paano nila haharapin ang challenges, problems and trials sa kanilang relationship. — NITZ MIRALLES

Show comments