Inamin ni George na paminsan-minsan ay dinadalhan talaga niya ng damit si Ronnie sa academy dahil alam niyang kukulangin ito sa pang-araw-araw nitong isusuot, "But before pa kami napasok, bumili na kami ng maraming damit para sa performance night niya," paliwanag ni George.
At hindi naman daw malaki ang nagagastos siya sa text votes, ang kinakarir daw niya ay ang pangangampanya sa mga kaibigan at ibang tao na good thing din dahil marami raw supporters ang alaga niya hanggang Pampanga.
"Yung masama nga siya sa top 10, masaya na kami kasi alam ninyo naman yung nangyari before (Pinoy Pop Superstar), at least now, nandidiyan na siya.
"Ang iniisip ko na lang, after PDA anong diskarte ang gagawin ko, kasi ayoko namang maging overnight star lang si Ronnie," magandang pahayag ng manager ng binata.
At hindi na kami sinagot ni George sa tanong namin kung boto ba siya sa sinasabi ng lahat na si Yeng Constantino na ang mananalo sa December 16 as the 1st Star Dreamer ng PDA.
At last November 22 ay binuksan na ang main branch with showroom sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan with long time business partner Roland Roque.
Sinong maga-akalang ang isang sexy actor na tulad ni Allen ay suwerte pala sa negosyong pinasok dahil kapag wala pala itong tv at movie project ay bisi-bisihan ito sa opisina niya as in may day job pala siya.
Pawang mga kaibigan sa industriya ang bisita ni Allen sa grand opening ng showroom niya. REGGEE BONOAN