Masaya ang tinig sa kabilang linya ni Vina, "Hindi ko nga alam Reggs kung matatawa ako o magagalit kasi hindi naman siya naging parte ng buhay ko o never kaming nagkasama.
"Hes never been a part of my life kaya wala akong maramdamang galit for now, pero kung naging parte siya siguro ng buhay ko at ganyan ang sinabi niya, tiyak na magagalit ako.
"But still, he has to clear my name kasi its damaging to me. Heto nga Im still waiting for tito Rickys (Lo) call kasi Im asking for Borgys number. Kailangan niyang iklaro ang name ko," masayang tinig ni Vina.
Hindi raw sila personal na magkakilala ni Borgy, "But of course I know him, hi and hello kapag nagkikita kami sa events, other than that, wala na," sambit pa ng singer/actress.
Type ba niya si Borgy?
"Funny nga, eh, kasi ang gwapo niya, lahat yata ng girls gusto siya, e, hindi kasi siya ang type kong lalaki, wala sa kanya ang hinahanap ko, sorry ha!" magandang esplika ng ate ni Shaina Magdayao.
"Actually, bagay sila ni Shaina, pero hindi ako boto as a boyfriend kasi kiss and tell siya," dugtong pa.
O baka naman iniilusyon siya ni Borgy?
"Ha, ha, ha, hindi ko alam, pero sa ginawa niya, ide-demand kong manood siya ng repeat ng show ko para makita niya ang kamasutra dance," nagbirong sabi sa amin ni Vina.
Samantala, pakisuyo ni Vina na opening ng bagong branch ng Ystilo Salon niya sa Sta. Rosa, Laguna ngayong Linggo, December 3, with a new endorser bukod sa kanya. Reggee Bonoan