"Pwede siyang makipagsabayan kay Lea Salonga," wika pa ng direktor. "Pang-Broadway ang timbre ng kanyang boses. Very powerful, ika nga. Nung una ko ngang narinig ang boses niya, tumayo ang balahibo ko sa katawan. Isa siyang hidden and undiscovered talent na dapat alagaan. Kaya naman, ako na mismo ang nag-offer na mag-manage sa kanya nung minsang mapakinggan ko siyang kumakanta."
Accidental nga ang pagkakatuklas na ito kay Leila J. Actually, nag-audition lang si Leila sa Astor Hotel that night pero ang naging resulta ay hindi niya inaasahan. Ang nangyari, audition pa lang ay binayaran na agad siya ng Astor Hotel that night na kumanta siya. Kaya naman, regular singer na siya roon. At doon siya agad natuklasan ng misteryosong direktor.
Twenty one na si Leila J. At dalawang taon nang kumakanta professionally. "Right now, I am undergoing a strict diet kasi medyo chubby ako. Balak akong isali ng manager kong direktor sa isang all-female group na malapit na ring i-launch. Sing and dance daw yung said group at ako ang magiging singer. Sana po ay matanggap ako roon."
Nai-record na niya ang first single niyang "Sanay Ikaw Na Nga" na original composition ni Lito Songco. Magkakaroon pa ito ng MTV very soon. ROBERT SILVERIO