Yeng Constantino, bet ng mga co-scholars niya na maging Star Dreamer ng PDA

Nominated na naman si Ronnie Liang for expulsion sa Pinoy Dream Academy this Saturday kasama sina Irish Furlerton, Eman Abatayo at ang first timer na si Panky Trinidad.

Pero huwag daw mabahala si Ronnie, ayon na rin mismo sa ilang staff ng PDA at ang 10th at 11th expelled ng PDA na sina Joan Ilagan at Davey Langit dahil super lakas daw ng pride ng Pampanga sa masa at text votes, tulad ni Rosita Bareng na binansagang "Ms. Saturday Night" dahil sa tuwing nominated daw ito ay nagta-transform sa kakaibang personalidad kaya buhay pa rin.

Duda nga ng lahat, maging ang ilang katoto ay si Eman o Panky ang mawawala sa Sabado dahil mahina rin sa text votes si Eman at si Panky naman ay ngayon palang masusubukan kung malakas din siya sa text votes.

Nabanggit din sa amin ng staff ng PDA na kinakarir daw talaga ng manager ni Ronnie na si George Roca ang text votes para mapanatili sa loob ng academy ang kanyang alaga at heto pa, "Hindi galing sa wardrobe department ang mga damit niya, bigay mismo ng manager, dinadala roon, o ma-took mo ‘yun, sobrang alaga to the max."

Samantala, tinanong namin ng diretso ang ilang katoto at mga staff ng PDA at ilang expelled scholars kung sino ang bet nila para maging 1st Star Dreamer ng PDA ay iisa ang sagot ng lahat, si Yeng Constantino dahil total package raw siya as an artist.

Why not Panky, ang tanong namin at heto ang iisang sagot ng mga nakakapanood sa 24/7, "Mahirap si Panky, may attitude, backbiter, maraming reklamo at saka nagko-comment siya ng hindi maganda, ang lakas ng insecurities niya, pati laman ng ATM (automatic teller machine) niya, kinukuwenta na niya, hindi maganda ‘yun."

Naloka naman kami sa kuwentong ito na hindi namin knows kasi wala naman kaming 24/7. Anyway, hindi nga maganda ito for a talent dahil ngayon palang kapag ipinanalo nila si Panky ay parang kumuha na sila ng batong pamukpok sa ulo ng sinumang magiging manager o handler ng pride ng Cebu City.

Baka naman magbago si Panky given a chance nga na siya ang manalo, anyway, matulad din kaya ang rakistang ito kay Rosita na kapag nominated ay gumagaling sa performance night?
* * *
Tinext kami ni Jeremiah Rosales, ang younger brother ni Jericho na idinemanda ng kanyang dating ka-live in na si Jane "Ethel’ Gonowon for Anti-Violence Against Women and Children at Kidnapping kasama ang Mommy Rose niya sa kasong Intentional Frustrated Abortion at nanakot na idedemanda raw kami ng libel dahil nakatutok daw kami sa kaso nilang mag-ina.

"Parati mo kaming sinusulat, wala ka namang mapapala. Kung kaya ni Ethel mag-demanda ng libel, kaya ko rin, puwede kitang idemanda ng libel dahil sa mga sinusulat mo," mensahe ni Jeremiah.

Natatawa lang kami sa kapatid ni Echo. Anyway, gaano katotoo na naglabas na raw ng warrant of arrest ang fiscal na may hawak sa kasong Anti-Violence Against Women and Children at Intentional Frustrated Abortion at magpipiyansa raw ang mag-ina? — REGGEE BONOAN

Show comments