"Why not kung maganda ba ang istorya at challenging yung role okey lang sa akin," sey nito.
Napaka-sexy ng kanyang outfit sa pelikula at inamin ni Pops na kung sila pa ng ex-husband na si Martin Nievera ay di ito papayag sa ganoong ka-seksing outfit. Pero ang kanyang mga anak na sina Robin at Ram ay gustung-gusto naman ang kanyang karakter.
"Ninerbyos ako nang makita ko ang isusuot kong costume pero, wala naman akong magagawa dahil professional at istrikto si Direk Joel Lamangan. Kailangan din ito sa istorya," dagdag pa ng singer-actress.
Kasama pa rin ni Pops ang apat na fashionistang Amazonista na sina Say Alonzo (Vilma S), Kitkat (Nora A) Glaiza de Castro (Dina) at Giselle Sanchez (Sharon C).
Si Joel Lamangan ang nagdirek ng ZZZ mula sa screenplay na si Dinno Erece at batay sa best selling graphic novel ni Carlo Vergara.
"Kabado rin po ako Tita dahil mas nakakatawa ang role ko sa Zsa Zsa Zaturnnah kaysa sa Manay Po. First time kong maging kontrabida at mag-komedi pero, tinulungan ako ni Direk Joel para mas maging katawa-tawa rito. Magiging masaya rin ako kung mapapatawa ko ang audience na manonood nitong pelikula," dagdag pa nito.
Pangatlo ng pelikula ito ni Giselle sa Regal Entertianment at pangatlo rin kay Direk Joel bilang director. Nagustuhan kasi ni Roselle Monteverde Teo ang pagpapatawa ni Giselle sa Manay Po at Ako Legal Wife.
Grade VII na sa La Salle Greenhills si AJ.
"Kahit po artista na ako ay gusto ko ring makatapos ng kursong medisina. Pangarap kong maging isang doctor," aniya.