Grupo-grupo ang nanood ng b-day concert ni Aiai
November 29, 2006 | 12:00am
Agad masusundan ang birthday concert ni Aiai delas Alas sa Klownz Araneta. Sa dami kasi ng hindi nakapasok sa unang concert na inabot na ng madaling araw, kung kaya nagpasya ang komedyante na magpanibago ng concert. Kung baga, magiging repeat na ito na gaganapin din sa nasabing lugar, sa Nob. 30 at matangi kay Allan K na mari-retain para sa repeat, may bagong set of guests si Aiai sina Piolo Pascual at Jaya. Kaya kung ayaw nyong mahuli na naman ay maaga na kayong pumila para sa tiket. Di kayo magsisisi dahil pasasakitin ni Aiai ang inyong tiyan sa katatawa.
"Hindi ko naman akalain na parang eskarsyunista yung mga dumating para manood ng show, langkay-langkay kasi sila. At dahil medyo late na nang mag-start, kaya late na rin natapos. Sa lagay na yun ay di pa nakakanta ang isa ko pang guest na si Arnelli Ignacio. Sabi ko sa kanya, next time na lang pero, di ko pa rin siya nakuha for the coming show," paliwanag pa rin ng komedyante.
Kakatuwa naman ang Go Girls na nung mag-presscon, sa halip na sila ang pagtatanungin ng press ay sila ang humingi ng mga advice sa press for guidance.
Ngayon ko lang napagmasdan sa malapitan ang grupo na ito ng mga babaeng di lamang sumasayaw kundi kumakanta pa rin. Magaganda sila, at di lang iilan kundi halos silang lahat. Ilan sa kanila ay nakaarte sa ilang palabas sa TV at maging sa pelikula.
Kung inyong natatandaan, ang Go Girls ang nagpasuso ng "Ocho Ocho" na inawit ni Bayani Agbayani sa MTB. Iginawa ito ng album ng Star Records na umabot sa triple platinum. Nabigyan din sila ng nominasyon bilang Best Dance Group sa Aliw Awards.
As individual, outstanding din sila. Si Karen Chapman ay Ms. October ng FHM 2006. at leading lady ni Eddie Garcia sa ginagawa nitong movie. Kasama naman si Maryjo Gonzales sa FHMs Sexiest 100. Sina Diane Viray at Maricon Seranilla ay kasama sa Nuts Entertainment at Now Na!
Ang Go Girls ay mina-manage ni Mia Divinagracia at ang publicist nila ay si Charlie Lozo.
Last day na bukas ng special sale ng Alpha Music na tinawag nilang Price Blast. Isang magandang oportunidad ito para makabili sa murang halaga ng mga original at high quality albums for as low as P50. Ongoing ito sa lahat ng SM outlets sa buong bansa.
Huling hirit na ngayong gabi sa anibersaryo ng QTV. Maglalaban-laban ang mga magagaling sa ibat ibang larangan ng sports, showbiz, hosting at kung anu-ano pa. Sa lahat ng ito, di pahuhuli ang pinakamagaling na game show host na si Arnelli Ignacio. Masusubukan din ang galing mga contestants sa kakaibang physical game na ngayon nyo lang mapapanood.
Panoorin din ang mga magic tricks na import ng ating mga a-three-bidas na si Harry Patol. Siguradong may papatol dahil P200,000 ang nakataya. Ang mga manonood naman ay may P10,000 agad. Now Na! 8:30 NG, over QTV 11.
[email protected]
"Hindi ko naman akalain na parang eskarsyunista yung mga dumating para manood ng show, langkay-langkay kasi sila. At dahil medyo late na nang mag-start, kaya late na rin natapos. Sa lagay na yun ay di pa nakakanta ang isa ko pang guest na si Arnelli Ignacio. Sabi ko sa kanya, next time na lang pero, di ko pa rin siya nakuha for the coming show," paliwanag pa rin ng komedyante.
Ngayon ko lang napagmasdan sa malapitan ang grupo na ito ng mga babaeng di lamang sumasayaw kundi kumakanta pa rin. Magaganda sila, at di lang iilan kundi halos silang lahat. Ilan sa kanila ay nakaarte sa ilang palabas sa TV at maging sa pelikula.
Kung inyong natatandaan, ang Go Girls ang nagpasuso ng "Ocho Ocho" na inawit ni Bayani Agbayani sa MTB. Iginawa ito ng album ng Star Records na umabot sa triple platinum. Nabigyan din sila ng nominasyon bilang Best Dance Group sa Aliw Awards.
As individual, outstanding din sila. Si Karen Chapman ay Ms. October ng FHM 2006. at leading lady ni Eddie Garcia sa ginagawa nitong movie. Kasama naman si Maryjo Gonzales sa FHMs Sexiest 100. Sina Diane Viray at Maricon Seranilla ay kasama sa Nuts Entertainment at Now Na!
Ang Go Girls ay mina-manage ni Mia Divinagracia at ang publicist nila ay si Charlie Lozo.
Panoorin din ang mga magic tricks na import ng ating mga a-three-bidas na si Harry Patol. Siguradong may papatol dahil P200,000 ang nakataya. Ang mga manonood naman ay may P10,000 agad. Now Na! 8:30 NG, over QTV 11.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am