^

PSN Showbiz

CD ng PDA scholars, maagang nag-gold!

PARINIG NGA! - PARINIG NGA! Ni Lanie B. Mate -
Wala atang hindi kinilig nang parehong umapir sina Yeng Constantino at RJ Jimenez sa ASAP ’06. Mas nagtitilian ang mga tao habang naggigitara si RJ at kumakanta si Yeng. Pareho pang pigil ang dalawa pero kita mo sa mga mata nila na inspired sila habang nagpi-perform.

Kinanta nila ang mga hit singles nila, si Yeng ang kanyang "Hawak Kamay" na no. 1 hit sa radio ngayon; at "Miss Kita Pag Tuesday" kay RJ sa "PDA Scholars Vol. 1" album na umabot na sa gold. Kasama rin sa album ang mga original songs nila Chad Peralta "Sunshine"; Eman Abatayo "Aregato"; Jay-R Siaboc "Hilot" at iba pang kanta ng mga PDA Scholars tulad nila Yvan Lambatan, Panky Trinidad, at iba pa.

Marami nang tagahanga si Rosita Bareng. Siya na nga kaya ang sinasabi nilang susunod na Superstar dahil pati nga ang mga Noranians laging sumusugod sa Expulsion Night para lang sumportahan ito. Nagtatanong tuloy sila kung hindi ba bibigyan ng sariling compilation si Rosita ng mga pieces niya sa PDA. Sana bago makalabas si Rosita matapos na ni Dra. Vicki Belo ang mga sessions na magpapaganda sa kanya.

Pero malinaw na si Yeng ang deserving na manalo sa PDA. Dati type ko si Panky pero ngayon, isa ako sa nagwi-wish na matanggal na siya ng maaga. Oo nga magaling siya pero kailangan niyang magkape ng konti para medyo mabawasan ang sobrang bilib niya sa kanyang sarili.

Ang suwerte naman ng Star Records dahil malaki ang inaakyat na pera ng mga PDA Scholars linggu-linggo na umaabot ng P3,500.00 per mall show.
* * *
Kung gusto n’yong makinig ng mga magagandang music at naghahanap kayo ng shows na mapupuntahan ngayong Kapaskuhan, aba may treat ang apat na Diva ng bansa na sina Zsazsa Padilla, Dec 1; Regine Velasquez, Dec 9; Kuh Ledesma, Dec 23 at Jaya sa kanilang mga fans sa pakikipagtulungan ng treat ng Eastwood City para sa kanilang mga loyal patrons.

Pinamagatan itong Le Grand Festival at Eastwood City na isang concert series ng mga dekalidad na diva ng bansa na magsisimula sa December 1.

Ang Le Grand Festival at Eastwood City ang engrandeng simula ng Pasko sa tinaguriang bright satellite city at sabay na rin sa pinakahihintay na launch ng Eastwood Le Grand – ang pinakabagong bonggang condominium sa Eastwood City!

Tiyak na mag-eenjoy ang mga music-lovers dahil libre ang nasabing concert series na magsisimula ng 8pm sa Eastwood Central Plaza sa mga gabi ng nabanggit na dates. Go na kayo ng inyong mga family and friends at siguradong mag-eenjoy kayo sa concert na may bonus pang Grand Fireworks Display sa Eastwood City skyline pag sapit ng 10 pm. Limited ang seats kaya tawag na sa 687-6770 to 74 o mag-text (0917) 8EWCITY for more information!
* * *
Bibisita muli sa bansa ang singer-model na si Jerry Yan bilang ambassador ng Asia’s World Vision Child Sponsorship program ngayong December.

Ang AWVCS ay naghahangad na palawakin ang karapatang ng mga bata tulad pagpapatayo ng iskwelahan, pagbibigay ng basic health care, potable water, food security and sustainable livelihood upang magkaroon ng malusog at masayang kapaligiran ang mga kabataan natin.

ANG LE GRAND FESTIVAL

CHAD PERALTA

EASTWOOD

EASTWOOD CENTRAL PLAZA

EASTWOOD CITY

EASTWOOD LE GRAND

EMAN ABATAYO

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with