^

PSN Showbiz

Regine, di malilimutan ang concert ni Barbra

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Very unforgettable pala for Regine Velasquez ang panonood niya ng concert ng idol niyang si Barbra Streisand last November 20 sa Las Vegas.

"Fan na nga raw siya ni Barbra, fan pa siya ng mga nasa audience, kaya talagang panay ang kwento ni Regine tungkol sa kanyang experience," kwento ng isang friend ni Regine.

Kasamang nanood ng Asia’s songbird ang parents niya.

Nasa audience raw kasi sina Barry Manilow, Kurt Rusell, Tom Hanks, Goldie Hawn, Leonardo DiCaprio, Rosie O’Donell, Shirley Maclaine among others na sikat.

Kwento pa raw ni Regine, ang galing pa ring mag-concert ni Barbra at meron daw itong isang number na tinanggal ang shoes at umupo sa stage.

Anyway, nag-story conference na sina Regine and Piolo Pascual para sa gagawin nilang movie na may tentative title na Fallen at malamang mag-start ang shooting sa December 5 under the direction of Joyce Bernal.
* * *
Mukhang walang selosang mangyayari sa pagitan nina Sunshine Cruz and Gwen Garci. Kasi parang wala sa hinagap ni Sunshine na magalit kay Gwen dahil ito pa ang may idea na kunin ang Viva Hot Babe para maka-partner sa lovescene ng asawa niyang si Cesar Montano.

At ang the height, pumayag pa si Sunshine na magkaroon ng lovescene ang dalawa na naked ng actor/director ng Ligalig. Kasi naman, naging big deal ang nangyaring selos factor ni Sunshine sa leading lady ni Cesar na si Juliana Palermo. Lumala ang issue.

This time, parang nabawasan na ang selos sa katawan ng actress na matagal-tagal ding namahinga sa paggawa ng movie. Pero ngayon naman ay dalawa ang magkasunod na pelikula. Sa Inang Yaya, starring Maricel Soriano, although hindi ganun kalaki ang role niya, napaka-importante naman.

Ngayon, busy naman siya sa Metro Manila Filmfest entry ng kanilang film company ni Cesar (CM Films), ang Ligalig na during the shooting ay nag-isip siya na mukhang galit sa kanya ang asawa dahil pinahirapan to the point na pinagapangan pa siya ng gagamba sa mukha ng asawa na siya ring director ng pelikula.

Nang ipagawa nga raw ‘yun sa kanya, mas gusto na lang sana niyang tumalon sa building. Pero wala talaga siyang choice, kundi gawin. At nang makita naman daw nila ang trailer, wala siyang regret na sinunod niya ang gusto ng asawa.
* * *
Talagang wala nang makakapigil sa sunud-sunod na recognition na natatanggap ng pelikulang Kubrador. In fact, hindi na nga yata mabilang ang mga award na natatanggap nila.

Got a text from Atty. Joji Alonso, producer ng Kubrador na binigyan sila ng Special Jury Prize sa katatapos na 7th Asiatica Fimmediale in Rome, Competition for Best Asian Feature Film kung saan tumanggap ng award ang mga sumusunod: Best Film, Mainline (Iran), - director Rakhshan Bani Etemad: Special Mention, Kubrador (Philippines) — director Jeffrey Jeturian; Audience Award, The Island of Rebirth (Kazakhstan) — director Rustem Abdrashev; Competition for Best Documentary, Buddah’s Lost Children (The Netherlands) — director — Mark Verbek; Special Mention — Total Denial (Bulgaria/Italy) — director Milena Keneva and Indonesian Cinema (Italy) — director Maurizio Borriello.

Binigyan din ng recognition ang Kubrador "For the extraordinary and seismographic capacity of portraying a social situation through the suffering of one women," ayon pa sa text ni Atty. Joji.

Congrats Atty. Joji. Mukhang lahat ng international film festival ay mari-recognize ang nasabing pelikula na tungkol sa nangungulekta ng jueteng.
* * *
E-mail: [email protected]

ASIATICA FIMMEDIALE

AUDIENCE AWARD

BARBRA

BARBRA STREISAND

BARRY MANILOW

BEST ASIAN FEATURE FILM

DIRECTOR

KUBRADOR

SPECIAL MENTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with