"Being gay is not a preference , di ko piniling maging ganito. Gusto ko lang na matratong tao, isang tao na nagkataong bakla," aniya sa presscon ng kanyang pinag-uusapang pelikula sa Regal Entertainment. ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh!, intended for the MMFF.
"Ang ganda ng pelikula, di lang sa trailer na kung saan maraming pelikula ang napapanood na ang kabuuan sa trailer lamang," pagmamalaki niya.
Anang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan, "Rustom is excellent as Ada. He struck that perfect balance between gay and being an outlandish gay, which is harder to do than most people think. Sa mga nakabasa na ng obra ni Carlo Vergara sa comics ay makikiayon sa akin na Adang-Ada si Rustom."
"Oo ngat binigyan ako ng costume ng production pero, ang mga ginamit ko, mula sa aksesorya hanggang sa tsinelas ay ako ang bumili," dagdag pa ng aktor na kararating lamang buhat sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika.
"Wala lang, naglaro lang ako dun ng basketball pero, dahil winter na, patung-patong ang damit ko at naka-gwantes pa ako," sabi niya.
Sinabi ni Rustom na marami ang masisiyahan dahil sasali siya sa Parade of Stars. "Di bilang Rustom kundi bilang Ada," ang role na ginagampanan niya sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh. "At di ako patatalbog kina Zsazsa (Padilla), Pops (Fernandez) at iba pang mga babaeng kasamahan ko. Pero di ko pwedeng kalimutan na sila ang mga totoong babae sa pelikula," sabi pa niya.
Isang year long celebration na mahahati sa dalawang bahagi ang magaganap, ang drumbeating stage na naganap nung Disyembre ng 2005 at ang grand finale na magaganap naman sa Disyembre sa taong ito.
Nakatuon ang selebrasyon sa pagbibigay pasasalamat sa Benedictine legacy. It will be a year of looking back and thanking God for all His blessings of the past na pamumunuan ni Sr. Angelica Leviste, OSB at Honorary chair ng Centennial Committee.
Ilan sa mga alumni ng St. Scho ay sina former Pres. Corazon Aquino, First woman Supreme Court Justice Cecila Muñoz Palma, first Filipina Miss Universe Gloria Diaz, first woman commercial pilot Aurora Carandang, the first non-German Prioress General Mother Irene Dabalus, OSB, Tina Monzon Palma, Preciosa Soliven, ang magpipinsang Ma-An, Risa at Pia Hontiveros, Anita Magsaysay-Ho, Bong Coo, Ton Leviste, Mitch Valdez, Bessie Badilla, Pia Guanio, Kitchie Nadal, Barbie Almalbis at napakarami pa na kabilang sa mga pararangalan sa SSCs Grand Alumnae Centennial Homecoming ngayong Disyembre.
Para sa ibang detalye, tumawag sa (SSAFI) 5247686 loc. 555/5241559/5247686 loc. 195.