Matt sings Monro
November 26, 2006 | 12:00am
Buti naman meron nang susunod sa yapak ng isa sa pinakadakilang balladeer na sumikat sa buong mundo. Kasalukuyang may world tour na si Matt Monro Jr. at kasama ang ating bansa sa kanyang itinerary.
Mapapanood ang Matt Sings Monro live concert sa New Pagcor Grand Theater sa Disyembre 6, 8:30NG. Tiyak na maraming masasayang alaala ang mananariwa sa gabing yon.
Si Matt Jr. mismo, maraming masasayang anekdota sa kanyang ama. Noon lang isang taon inilabas sa United Kingdom ang DVD na An Evening with Matt Monro, upang gunitain ang 20th year ng pagkamatay ng singer. Bumulusok agad sa No. 1 ang DVD at bumenta ito ng 200,000 copies, naging gold sa loob lang ng 10 araw.
Kaya nabuo ang concept ng Matt Sings Monro CD at nauwi nga sa world tour na may 41 concert dates sa buong mundo.
Unang naka-duet ni Jr. ang kanyang ama sa isang live concert sa Windmill Theater sa UK noong 13 years old pa lang siya. Nasa audience ang batang Monro nang tawagin siya ng kanyang ama sa stage.
Simula noon, pinangarap na ni Jr. ang makasama sa isang entablado ang kanyang ama, pero hindi na nangyari ito, dahil yumao na si Matt.
Natandaan din ni Jr. ang maraming beses na isinama siya ng kanyang dad sa ibat ibang bansa sa buong mundosa kanyang mga worldwide singing engagements.
Sa lahat ng paglalakbay ni Matt Monro noon, natandaan ng kanyang Jr. at nag-iisang anak na lalaki ngayon, palaging naka-reserved ang Christmas Holidays sa kanyang pamilya. Never na tumanggap ng ibang engagements si Matt tuwing Kapaskuhan upang laging makapiling ang kanyang pamilya sa panahong ito.
Noong inihahanda pa ang Matt Sings Monro world concert tour, higit pang ma-raming pangyayari ang bumalik sa isip ng anak. Ang mga ito ay mababasa sa www.mattmonro.com, kasama pa ang mga sulat ng mga fans tungkol sa musika at mga live shows ng dakilang balladeer. Ang kapatid ni Matt na si Michelle ang bumuo ng website para sa kanilang daddy.
Sa Matt Sings Monro live concert ay maririnig ang mga kantang pinasikat ni Matt Monro tulad ng "Yesterday", "Around The World", "Portrait Of My Love", "Walk Away", "From Russia With Love, "My Way" (na kakaiba ang style), "Born Free", "Softly As I Leave You", "The Impossible Dream" at "For Mama".
Meron pang mga numbers na makikita at maririnig na magka-duet sina Matt Monro at Matt Monro Jnr. sa tulong ng makabagong technology.
Mapapanood din ang concert sa Hard Rock Café sa Glorietta, Makati sa Disyembre 9, 6NG.
Meron isang kanta na pinakapaborito nilang buong pamilya, pati na si Matt Monroang "My Funny Valentine" pero never na nakasama ito sa kanyang mga albums at never ding kinanta ito ni Matt sa kanyang countless concerts.
Ang dahilan, sa kanyang misis lang ito kinakanta ni Matt Monro, habang nakikinig ang kanyang buong pamilya.
Naging curious tuloy ako kung paano ang sariling version ng yumaong Matt Monro ng "My Funny Valentine".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am