Gob. Mark, binigyan si Tanya ng 2-K diamond ring
November 26, 2006 | 12:00am
Inamin ni Tanya Garcia na kasama sa pelikulang Matakot Ka Sa Karma na wala pa silang relasyon ni Gov. Mark Lapid.
"Wala kaming commitment although exclusively on dating kami. Okay naman siya. Matiyaga siya at di ako pwersado na sagutin siya. Tuwing luluwas siya ng Maynila, dinadalaw niya ako. Pero kapag nagdi-date kami ay may mga kasama naman kami. Sa ngayon, ayaw ko pang magka-bf dahil gusto kong mag-concentrate muna sa pag-aartista," aniya.
May pasalubong sa kanyang singsing si Mark noong manggaling ito ng Hongkong. Isa itong 2-K diamond ring na suot ni Tanya sa presscon ng Matakot Ka Sa Karma.
Hindi kami magtataka kung sa kalipunan ng mga kabataang aktor (Starstruck 3) ay mabilis na nakagawa ng pangalan si Marky Cielo. Paborito kasi siya ng mga direktor dahil professional at never na naging sakit ng ulo.
Maaasahan din ito sa pag-arte lalo na sa ipinakikita niyang karakter bilang si Michael sa Bakekang, bilang masugid na manliligaw ni Kristal (Lovi Poe).
Tinanong namin si Lorna Tolentino sa press visit ng Mano Po 5 kung sino sa mga kabataang artista ang pwedeng sumunod sa kanyang mga yapak.
"Si Angel Locsin, dahil matiyaga ang batang ito. Propesyonal at mahal ang kanyang career. Dibdiban siyang magtrabaho at hanga ako dahil kapag meron siyang di naintindihan sa gagawing eksena ay nagtatanong ito sa direktor," anang LT.
Gagampanan ni Lorna ang nanay ni Angel sa Mano Po 5 kung saan pareho silang nagsasanay sa pagsasalita ng Chinese dahil Tsinoy ang papel ng mag-ina.
Panay ang himutok ng isang talent coordinator na may hawak ng TV promo ng isang movie sa isang aktor.
Guest kasi sa hawak niyang movie at ipinaghanda niya ito ng isang video clip para sa isang TV interview. Hindi ito nakasipot kahit nangakong darating sa TV show.
"Malalaking artista na ang hinawakan ko sa TV promo pero hindi sila nagbigay sa akin ng tensyon di tulad ng aktor," sey ng TC.
"Wala kaming commitment although exclusively on dating kami. Okay naman siya. Matiyaga siya at di ako pwersado na sagutin siya. Tuwing luluwas siya ng Maynila, dinadalaw niya ako. Pero kapag nagdi-date kami ay may mga kasama naman kami. Sa ngayon, ayaw ko pang magka-bf dahil gusto kong mag-concentrate muna sa pag-aartista," aniya.
May pasalubong sa kanyang singsing si Mark noong manggaling ito ng Hongkong. Isa itong 2-K diamond ring na suot ni Tanya sa presscon ng Matakot Ka Sa Karma.
Maaasahan din ito sa pag-arte lalo na sa ipinakikita niyang karakter bilang si Michael sa Bakekang, bilang masugid na manliligaw ni Kristal (Lovi Poe).
"Si Angel Locsin, dahil matiyaga ang batang ito. Propesyonal at mahal ang kanyang career. Dibdiban siyang magtrabaho at hanga ako dahil kapag meron siyang di naintindihan sa gagawing eksena ay nagtatanong ito sa direktor," anang LT.
Gagampanan ni Lorna ang nanay ni Angel sa Mano Po 5 kung saan pareho silang nagsasanay sa pagsasalita ng Chinese dahil Tsinoy ang papel ng mag-ina.
Guest kasi sa hawak niyang movie at ipinaghanda niya ito ng isang video clip para sa isang TV interview. Hindi ito nakasipot kahit nangakong darating sa TV show.
"Malalaking artista na ang hinawakan ko sa TV promo pero hindi sila nagbigay sa akin ng tensyon di tulad ng aktor," sey ng TC.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended