Pero kung minsan nananaig din naman ang paghahangad nilang makagawa ng isang mahusay na album, kaya nangapital sila ng apat na milyong piso para mabuo ang Filipino Classics album ni Basil Valdez.
Ang San Miguel Philharmonic Orchestra ang tumugtog at ang musical director na si Ryan Cayabyab ang siyang naging arranger at conductor sa recording na iyon.
Pero ang talagang matindi iyan ay ang mga klasikong awiting Pilipino na siyang kinanta ni Basil sa nasabing album.
Alam ba ninyo na mas mataas ang royalty na ibinabayad sa mga klasikong awitin kaysa sa mga kantang bagong gawa? Natural lang naman iyon dahil itinuturing na nga iyang classics, o mga awiting mananatili habang panahon. Karamihan sa mga awiting iyon ay bahagi na ng kulturang Pilipino.
Kabilang sa album ang mga klasikong "Sa Ugoy ng Duyan," "Madaling Araw," "Bituing Marikit," "Babalik ka Rin" at "Bayan Ko."
Kaya nga sinasabi ni Basil na sana naman iyong original na album ang bilhin ng mga tao, dahil napakalaki ng puhunan ng Viva Records para mabuo, at maaaring masundan lamang iyon kung makakabawi man lang ang mga producers niya sa napakalaking gastos.
Nauna rito, nagkaroon na rin ng problema nang magsalita noon si Alessandra de Rossi tungkol sa pakikipag-text ni Jennylyn kay Jeremy Marquez na noon ay boyfriend pa ni Alessandra.
Mukhang pinapahamak si Jennylyn ng kanyang mga love affairs. Aba eh kailangang mag-isip isip siya dahil naaapektuhan na siya.
Pero mukhang hindi pa rin natatauhan ang female star, dahil ang sinasabi raw nito, ok lang sa kanya ang lahat. Kasi nakikipag-relasyon man sa kapwa lalaki ang boyfriend niya, patago naman. - Ed De Leon