Retoke Queen

‘Retoke queen’ ang tawag ngayon sa isang young actress na nag-pose ng sexy sa isang calendar ng inuming panglalake dahil sa katakut-takot daw na retoke na ginawa sa kanyang katawan para lamang lumabas siyang super sexy sa nasabing kalindaryo. Hindi po siya sumailalim ng isang medical procedure para magmukhang super-sexy kundi sa ibang klase ng teknolohiya sa computer. Dahil sa pagiging advanced masyado ng ating teknolohiya, nagagawang payat at sexy ang isang mataba, tanggalin ang mga unwanted pounds, mga blemishes, mga wrinkles sa mukha at kung anu-ano pa. Kapag nakita ninyo ang calendar ng young actress ay tiyak na mapapa-wow kayo sa kanyang almost-perfect na katawan pero kapag nakita ninyo ang shots (behind the scene) ay tiyak na madi-dismaya kayo.
* * *
"Horror Queen" at MMFF Princess kung tawagin si Rica Peralejo ngayon dahil sa apat na magkakasunod na taon ay pangunahing bida siya ng mga horror-suspense movie na kalahok sa Metro Manila Film Festival na lahat produced ng Canary Films (subsidiary ng OctoArts Films). Nauna na rito ang Malikmata (2003), Spirit of the Glass (2004) at Kutob (2005) na lahat sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes.

"May kulang pa, Canary Films Queen!" natatawa niyang pahabol.

Very thankful si Rica sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng OctoArts at Canary Films big boss na si G. Orly Ilacad dahil taun-taon ay may movie entry siya sa MMFF. Sa 2006 MMFF ay may entry na naman siya, ang Matakot Ka Sa Karma kung saan niya mga kabituin ang comebacking actress na si Gretchen Barretto at Angelica Panganiban na mula pa rin sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.
* * *
Personal: Nangangailangan ng tulong pinansiyal at dasal ang ating kasamahan sa panulat na si Robert Pangis (PMPC member) na kasalukuyang nasa ICU ng Nueva Ecija Hospital. Sa mga nais tumulong kay Robert ay ipagbigay alam lamang sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng numerong 09207546292. — Aster Amoyo

Show comments