Angelica, di affected kung may girlfriend si Derek!

Sa final presscon ng Pitong Dalagita na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, Valerie Concepcion, Cristine Reyes, Iwa Moto at kaisa-isang ‘dalagita’ na si Jay-R Trinidad, personal naming tinanong si Angelica kung ano ang kanyang masasabi na meron umanong Fil-French model girlfriend na nagngangalang Solen ang nali-link sa kanya ngayon na si Derek Ramsey?

"Bilang respeto kay Derek, dapat siguro siya ang sumagot sa tanong n’ yo. Ayokong patulan ang mga ganoong balita dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Derek," pahayag ni Angelica.

In a scale of 1-10, nasaang level na ba ang pagkakaibigan nila ni Derek?

"Siguro nasa 5 na 50-50 pa lang," deklara niya.

"Ayaw naming madaliin ang mga bagay dahil nagsisimula pa lamang namin makilala ang isa’t isa. Ang importante, pareho kaming nagi-enjoy sa isa’t isa bilang magkaibigan," simple niyang tugon.

Samantala, muling ipinamalas ni Angelica ang kanyang pagiging professional sa kanyang trabaho nang ma-flat ang gulong ng kanyang sasakyan nung Martes ng tanghali habang patungo sa presscon ng Pitong Dalagita. Sa halip na hintayin ni Angelica na maayos ang kanyang sasakyan ay nagpakuha ito ng taxi dahil ayaw niyang maging cause of delay siya ng presscon. Humabol na lamang ang kanyang driver pagkatapos.
* * *
Nasa General Santos City airport si Ara Mina nang ito’y aming makausap nung Miyerkules ng umaga. Pabalik na siya ng Maynila galing Sultan Kudarat kung saan siya nagkaroon ng matagumpay na show. Masayang ibinalita sa amin ni Ara ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-GenSan. Nagtungo rin doon sina Rufa Mae Quinto at Jennylyn Mercado sa magkahiwalay na araw.

Kung tutuusin, kararating lang nung Linggo ni Ara galing Middle East at paalis naman ngayong araw patungong Reno, Nevada for a show sa Peppermill Hotel bukas, Nov. 25 kasama si April Boy Regino. Nakatakda rin siyang magtungo sa Europe sa December 5 for a series of shows kasama si Janno Gibbs na gaganapin sa Barcelona, Amsterdam at Belgium. Sa December 19 na ang kanyang balik ng Pilipinas. Sa December 21 naman ay may show siya sa La Union.

Sa February 3 ay magkakaroon siya ng kanyang kauna-unahang concert sa Araneta Coliseum, isa itong pre-Valentine show and at the same time ay magsi-celebrate siya ng kanyang ika-15 taon sa showbiz. Ito’y may tentative title na Loving Ara na nakatakdang idirek ni Rowell Santiago sa ilalim ng Posh Entertainment na pag-aari rin ni Ara. Ang bunsong kapatid ni Ara na si Mina Princess (15) ay may sakit na ganito at ito ang nagbunsod sa kanya na magtayo ng foundation para sa mga may sakit na Down Syndrome nung nakaraang July.
* * *
<a_amoyo@pimsi.net

Show comments