^

PSN Showbiz

Pops, magni-ninang sa anak ni Martin?

-
Natatawa si Pops Fernandez nang makausap namin siya sa presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah movie na entry ng Regal Entertainment ngayong MMFF 2006 sa tinanong sa kanya kung papayag ba siyang maging ‘ninang’ sa anak ng ex-husband niyang si Martin Nievera kay Katrina Ojeda.

Napatitig sa amin ang alien na kaaway ni Zsa Zsa Padilla sa pelikula dahil akala niya ay nagbibiro lang kami.

Sa 24 Oras ng GMA-7 umere ang panayam kay Martin na sinadya pa sa airport nung dumating siya ng Pilipinas at nabanggit nga niya na isa ang ex-wife niya sa kukunin niyang ninang bukod kina Michael Bubble at Brian McNight na mga ninong.

"Hindi talaga ako naniniwala, unless Martin will tell me personally. Baka kasi nagjo-joke lang yun, alam n’yo naman yun kung anu-ano ang pinagsasabi," natatawang paliwanag ng mortal na kalaban ni Zsazsa Padilla sa pelikula.

What if nga na kunin siyang ninang ng anak sa ibang babae ng dating asawa?

"I can’t decide now, maybe I should ask first my sons. Sila ang dapat na mag-decide," safe answer ni Pops.

Ang saya-saya ng interview ni Pops tungkol sa dating asawa at sa bago nitong anak kaya’t maski hindi na sabihin ng singer/actress ay naka-move on na siya.

Hindi naman niya direktang inamin na dahil may Jomari Yllana na siya sa buhay niya kaya siguro masaya na siya ngayon.

‘Yun nga lang, hindi niya ma-imagine ang sarili na muli siyang magbubuntis at magkaka-anak dahil ayaw na niya uling pagdaanan ang pagpapalit ng diaper, pagtitimpla ng gatas, at kung anu-ano pa.

"Pero kapag nakakakita ako ng sanggol, ang sarap ng may bata, pero kapag naiisip ko na ang hirap, napapa-teka nga ako. But capable pa akong magka-anak ‘no?" paliwanag ni Pops.

Samantala, tanggap na ng ex-wife ni Martin na hindi na nila makakasamang mag-iina ang singer/actor dahil obvious bang may bago na itong pamilya?

"Alam naman nating lahat na may set of priorities na niyang, pero puwede naman niyang dalawin ang mga anak namin," paliwanag pa ng singer/actress.

At dahil sangkaterba ang raket ni Pops ngayong December ay hindi naman din niya mahaharap si Martin if ever na dalawin siya dahil kaliwa’t kanan ang shows niya at nahilo nga kami nung banggitin niya ang mga petsa dahil sunud-sunod, basta alam namin, mag-uumpisa siyang mag-show ng December 8 at magtatapos ng December 31 sa Shangri-La Makati.
* * *
Bukod kay Piolo Pascual na mapapanood sa Aliw Theater ngayong Sabado, November 25 para sa fund raising concert for PAPICA (Awit, Sayaw at Tula para sa Madla) na ka-join din sina Jay-R, Pops Fernandez at Erik Santos.

Hoping na maka-raise ng funds si Francis Papica para may pambili ng 5000 pieces of school bags filled with school supplies at ipamamahagi ito sa iba’t ibang iskwelahan nationwide before next school year.

Samantala, 15 young student writers ages 6 to 12 ang pinarangalan sa libu-libong sumali para sa first national short story writing contest na may titulong Mga Kuwentong Pambata ng Papica Foundation. — Reggee Bonoan

ALIW THEATER

DAHIL

ERIK SANTOS

FRANCIS PAPICA

JOMARI YLLANA

KATRINA OJEDA

MARTIN NIEVERA

NIYA

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with