Keanna, di ubra kay Bearwin

Magkasama sina Keanna Reeves at Bearwin Meily sa Shake, Rattle and Roll Part 8 sa episode na 13th Floor.

Tinanong namin ang comedian kung ano ang masasabi niya tungkol sa sexy actress at kung nagpapalipad hangin ba ito sa kanya. Kapag type kasi ni Keanna ang kapareha ay inaakit niya ito.

"Masarap katrabaho si Keanna at propesyonal. Nagpapahanging din ito, pero alam mo namang loyal ako sa aking asawang si Lara," aniya. Hindi kayang magluko ni Bearwin sa pamilya dahil inspirasyon niya ang anak na isang taon na at limang buwan. Gayang-gaya nito ang daddy kapag nagsasabi ng yahoo.... yahoo.

Katrina, Sinigawan Ng Mga Bading

Maganda at masaya ang pelikulang Gigil na launching movie ni Katrina Halili. Pasable ang kanyang akting at malaking bentahe ang kanyang kaseksihan. Tuwing may kissing scenes sila ni Alfred Vargas ay nagsisigawan ang mga manonood sa ginawang premiere night.

May isang eksena na sinasabihan ni Katrina na salot ang mga bading matapos siyang lokohin ng nobyong si Boom Antonio nang di siputin ang kasal at sumama sa kanyang papa. Dun nagsimula ang galit ni Katrina lalo na nang matuklasang bading pala ang nobyo.

Nag-react ang mga bading na manonood at sumigaw na di sila salot. Nagtawanan tuloy ang mga tao sa sinehan. Labas na rin ang Katrina Halili’s Fantasies mula sa Regal Home Video.

Tiangge Sa Sis

Nagbabalik na ang Sis Tiangge kung saan magdadala ang mga sikat na personalities ng items para i-donate sa tindahan on air.

Sa usapan portion, mauungkat ng mga guests na sina Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Cristine Reyes, Iwa Moto, Sunshine Cruz at iba pa ang pagbabahagi nila tuwing sasapit ang Pasko.

BLIND ITEM: Sikat Na Celebrities, Totoong May Relasyon

Di na pwedeng i-deny ang tunay na relasyon ng 2 sikat na celebrities. Kwento ng isang kolumnista na minsan ay kinukumbida niya ang sikat na female singer for a show sa abroad.

Hirap kunin ito ng writer kung saan kinukumbinse ang manager ng female celebrity. Katwiran ay hectic ang schedule nito kaya hindi na pwede. Ang ginawa ng writer ay tinawagan ang male celebrity para tulungang makuha ang serbisyo ng female celebrity na nali-link sa kanya. Isang tawag lang nito sa napapabalitang girlfriend ay okey na agad.

O, di ba kailangan pa bang malaman kung totoong may relasyon sila?

Show comments