Si Mayo ay pumunta lamang ng Pinas para mag-aral ng Ingles pero, bukod sa lengwahe ng Kano ay matatas na siyang mag-Tagalog at Bisaya, her mother being a Pinay coming from the Visayan region and her dad a Japanese businessman.
Bagaman at masaya si Mayo, edad 17, na unti-unti na siyang nakikilala sa larangan ng showbiz, ngayon lamang niya nari-realize na may kakambal palang kontrobersya, intriga at mga gulo ang pag-aartista rito sa bansa ng kanyang ina at itinuturing niyang ikalawang tahanan niya.
Nalulungkot siya na naiintriga siya kay Sandara Park dahilan sa friendship niya sa boyfriend nitong si Joseph Bitangcol at napagbibintangan pa siyang nanggagamit dito.
"Wala akong balak na gamitin siya. Ive been happily working my way up until I met Joseph nang magkasama kami sa isang show. Then he invited me to his show, na di ko alam na pagsisimulan pala ng intriga," paliwanag ng Fil-Jap na graduating na ng high school sa Colegio de San Agustin.
"Wala akong interes sa boyfriend niya, at kahit sinumang lalaki at the moment other than friendship," dagdag pa ni Mayo who can very well pass for a shampoo commercial model dahil maganda ang hair niya na sa Japan pa niya ipinagugupit. "Umuuwi ako ng Japan just to have a haircut, nadala kasi ako nang minsang ipaputol ko ito rito, muntik masira," sabi niya.
Sa pictorial ng Super Noypi ay asiwa siya sa pictorial nila ni Polo Ravales. At sana naman hindi flirty ang bf niya para di siya ma-off sa mga balita linking him with Mayo. Di ko rin siya masisisi kung inaakala niyang ginagawa siyang tuntungan ng baguhang singer para ito makilala kaya niya sinabing, "Huwag siyang manggamit, maghirap siya dahil naghirap din ako sa Star Circle Quest (SCQ)."
Pero, ayaw nang pumatol sa mga intriga ng Korean teenstar. Mas gusto niyang mag-focus sa Super Noypi ng Regal Entertainment na kung saan ay isa siyang super hero, nakakagawa siya ng apoy at yelo at nakokontrol niya ang weather. Misyon nila nina Lia (Jennylyn Mercado), Lorenzo (Mark Herras), Annys (Katrina Halili), Yñigo (John Prats), Tonton (Angelo Muhlach) at Euen (Polo Ravales) na sugpuin ang masamang si Diego (Monsour del Rosario) na gustong wasakin ang mundo.
Ang Super Noypi ay palabas sa MMFF at nasa direksyon ni Quark Henares.
Di tulad nung unang Bakbakan 06, na naging kontrobersyal ang naging labanan nina Rommel at Andrew Wolff, walang gulo na naganap this time at nagustuhan ng manonood ang naging labanan. Medyo disappointed lamang ang manonood dahil para raw hindi ganado ang naging labanan nina Cesar at Balena na siguro ay bunga ng kakulangan sa praktis ni Cesar na abalang abala sa pagsasaayos ng entry ng CM Films niya sa MMFF, ang Ligalig.