Bakit sa text votes ini-aasa ang resulta ng PI?
November 22, 2006 | 12:00am
Maraming nadismayang studio audience ng Philippine Idol nang si Pow Chavez ang na-tsugi last Monday night dahil hindi raw niya deserve kung ikukumpara kay Miguel Mendoza na pareho niyang tumagilid din.
Hindi namin sure kung totohanin ng ilang fans ng PI na ibo-boykot nila ang nasabing programa dahil sa palpak na desisyon na bakit sa text votes na lang daw iniaasa ang resulta ng pakontes.
Ano raw ba ang silbi pa ng judges at guest judge kung hindi rin naman sila ang nasusunod?
Sinayang lang daw ng ABC-5 ang pagkakabili nila ng franchise ng Philippine Idol dahil hindi naman deserving ang mga natirang finalists para maging 1st PI.
Pag hindi pa raw tsinugi si Miguel next week, wala na raw kredibilidad ang PI dahil siya na lang ang walang K sa kanilang apat nina Jan Nieto, Mau Marcelo at Gian Magdangal.
Naka-double platinum na pala ang album ni Sandara Park (hindi namin knows kung anong record label) and still counting kaya hindi affected ang isa sa bida ng Super Noypi kung itatapat sa kanya ang baguhang singer na nali-link din sa boyfriend niyang si Joseph Bitangcol na si Mayo Suzuki.
Tulad ni Sandara, tsinita rin si Mayo, yun nga lang, may dugong Pinay ito kumpara sa girlfriend ni Joseph na totally alien sa Pinas.
Hindi pa naririnig ni Sandy kumanta si Mayo kaya hindi niya alam kung magaling ito o kung mas may boses sa kanya, pero kapag nagalingan daw siya, bibili siya ng album ng dalagita.
Ang pakiusap lang ng Koreana, "Sana hindi na lang niya ako idamay sa interviews niya kasi hindi naman kami magkakilala at saka kung gusto niyang sumikat, dapat maghirap siya kasi ako naghirap ."
Mukhang hanggang 2007 ang swerte ni Angel Locsin dahil bukod sa pelikulang pagsasamahan nila ni Piolo Pascual na ipo-produce ng Regal Entertainment ay may plano ring ipag-produce sila ni Richard Gutierrez ng GMA Films after ng Mano Po 5.
Yes, balik-tambalan sina Richard at Angel next year (hindi kaya ma-over expose na si Angel?) sa remake ng Hihintayin Kita Sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta? Kasalukuyang inaayos daw ito ngayon ng GMA Films sa Reyna Films dahil pag-aari ito ni Armida Siguion-Reyna. Reggee Bonoan
Hindi namin sure kung totohanin ng ilang fans ng PI na ibo-boykot nila ang nasabing programa dahil sa palpak na desisyon na bakit sa text votes na lang daw iniaasa ang resulta ng pakontes.
Ano raw ba ang silbi pa ng judges at guest judge kung hindi rin naman sila ang nasusunod?
Sinayang lang daw ng ABC-5 ang pagkakabili nila ng franchise ng Philippine Idol dahil hindi naman deserving ang mga natirang finalists para maging 1st PI.
Pag hindi pa raw tsinugi si Miguel next week, wala na raw kredibilidad ang PI dahil siya na lang ang walang K sa kanilang apat nina Jan Nieto, Mau Marcelo at Gian Magdangal.
Tulad ni Sandara, tsinita rin si Mayo, yun nga lang, may dugong Pinay ito kumpara sa girlfriend ni Joseph na totally alien sa Pinas.
Hindi pa naririnig ni Sandy kumanta si Mayo kaya hindi niya alam kung magaling ito o kung mas may boses sa kanya, pero kapag nagalingan daw siya, bibili siya ng album ng dalagita.
Ang pakiusap lang ng Koreana, "Sana hindi na lang niya ako idamay sa interviews niya kasi hindi naman kami magkakilala at saka kung gusto niyang sumikat, dapat maghirap siya kasi ako naghirap ."
Yes, balik-tambalan sina Richard at Angel next year (hindi kaya ma-over expose na si Angel?) sa remake ng Hihintayin Kita Sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta? Kasalukuyang inaayos daw ito ngayon ng GMA Films sa Reyna Films dahil pag-aari ito ni Armida Siguion-Reyna. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended