Inamin ni
Say Alonzo na umiyak siya sa syuting ng
Gigil habang nasa Boracay. May ipinabasa kasi sa kanyang dialogue sa script na nauukol sa sex. Hindi ito komportable sa dialogue dahil wholesome ang aktres.
"Tinawagan ko ang aking bading na kaibigan at best friend para magpaturo kung paano ko sasabihin ang dialogue. Gusto ko ring malaman ang wastong pag-atake sa role," ani Say.
Sinabi pa rin nito na nabastusan siya sa dialogue kaya tinulungan din siya ni Direk kung paano ilarawan ang tamang karakter-yung pagiging flirt.
Jeli, May K Maging Singer |
Maganda at matangkad si
Jeli Mateo ng
Philippine Idol: The Final 12. Magaling siyang kumanta dahil may karanasan na ito bilang singer kung saan apat na taon na itong umaawit sa mga singing lounge. Ang kanyang forte ay jazz.
May offer na rito para maging artista at kung maganda ang role ay tatanggapin niya. Pero sa ngayon ay prioridad nito ay ang pagkanta. Nakasali na ito sa
Bb. Pilipinas Beauty Pageant pero di pinalad na makasama sa mga winners.
Sa kabilang banda, napakinggan namin ang "Final 12" CD, isang compilation ng mga awitin ng mga finalists na naglalaman ng magagandang OPM hits under
Sony BMG Music Entertainment. Kabilang dito ang "Hindi Magbabago" (
Reymond Sajor); "Pangako" (
Stef Lazaro); "Nakapagtataka" (
Pow Chavez); "Next in Line" (
Miguel Mendoza); "Araw-Araw, Gabi Gabi" (
Armarie Cruz); "Ngayon" (
Apple Chiu); "Himala" (
Gian Magdangal); "Minsan Lang Kitang Iibigin" (
Maureen Marcelo); "Tuwing Umuulan at Kapiling Ka" (
Jan Nieto); "Di Na Natuto" (
Ken Dingle); "Hang On" (
Drae Ybañez) at "Iisa Pa Lamang" (
Jeli Mateo).
Gumawa Ng Pangalan Sa Canada |
Mentally-retarded ang role ni
Nicco Lorenzo Garcia sa
Ang Pamana. Realistiko nitong nagampanan ang papel ni
Tommy na isang handicapped.
"I spent a week in one school for autistic and special kids, the reason why I was able to portray my role well," ani Nikko.
Ayon sa Fil-Canadian actor,
Ang Pamana ang ikatlo at pinaka-exciting niyang project kay Direk
Romeo Candido. Unang short film na
Rolling Langgonisa prodyus sa Toronto Canada at ikalawa ang
The Romance of Magno Rubio.
Isang stage actor sa Canada si Nicco at tapos ng Theater Arts.
- Emy Abuan-Bautista