Pacquiao, inuulan ng dagdag na komersyal

Hindi pa man nakakabalik si Manny Pacquiao mula sa successful bout with Erik Morales, inuulan na siya ng offers ng product endorsement. Ipinabasa sa amin ng isang kaibigan ang text message ng isang taga-ad agency na nagpapatulong para makuha ang boxing champ to endorse their product na kahit sikat na, dodoble ang sales ‘pag nadagdag si Manny na endorser.

Pati talent fee na ibabayad kay Manny kung tatanggapin nito ang offer ay ipinabasa rin sa amin at pwede pa raw madagdagan. Kahit hindi kasing-laki ang halaga sa napanalunan niya sa laban nila ni Morales, malaking halaga pa rin yun at malapit sa figure na ibinabayad sa mga sikat at in-demand na endorsers ngayon. Bawal magbigay ng clue kung anong product ito na ginagamit for personal hygiene at daily na ginagamit ng tao.
* * *
Nakakalungkot na Bakekang na lang ang koneksyon ng Cruz cousins. Sa number one teledrama ng GMA-7 na lang nakikita nina Geneva, Rayver at Sunshine Cruz si Sheryl Cruz dahil kahit maliit ang showbis at pare-pareho silang dito nagtatrabaho, ‘di sila nagkikita.

Naikwento ni Rayver na nasisilip niya ang pinsan ‘pag nanonood sa bahay nila ng teledrama. Ito rin ang nabanggit ni Geneva nang may makausap na reporter at may comment pa siya sa role ni Sheryl na ‘di namin isinulat at baka pagmulan ng word war.

Mas nakakatuwa naman si Sunshine dahil inaming nanonood ng Bakekang pero, ‘di raw si Sheryl ang kanyang pinapanood kundi si Sunshine Dizon dahil magaling na’t kapangalan pa niya. Nag-’no comment’ ito nang usisain namin sa pinsan at ayaw niya itong pag-usapan.

Birthday ni Ricky Belmonte sa December 25 at matutuwa ito kung magkakabati na ang anak at mga pinsan nito na parang mga anak ang turing niya. Naalala naming sa bahay nila sa Valle Verde namin unang nakilala sina Sunshine at Rayver na mga bata pa noon at kanyang ipinagmamalaki’t magagaling daw. Kailan kaya mabubuo uli?

Incidentally, ipinagmamalaki ni Sunshine ang Ligalig na dinirehe ang asawang si Cesar Montano. Nawala raw ang tampo niya rito nang mapanood ang rushes at naintindihan kung bakit sobrang metikuloso ito lalo na sa mga eksena niya. Kaya kahit tinawag na ‘belekoy’ ang acting niya at pinagapangan siya nang hate na hate niyang gagamba, pinatawad na niya ito. – NITZ MIRALLES

Show comments