Kwento nga ni Sunshine na sa commercial nila ng amang si Buboy ay nagugulat ito dahil laging take one ang anak. Hilig nitong mag-artista pero ayon kay Sunshine, hanggang commercial lang muna ito. Gusto nilang maging normal ang paglaki nito.
"Hindi naman totoo ang lahat ng ito. Ka-bonding ko naman sina Katrina Halili at Say habang ginagawa namin ang Gigil. Kaya ako wala sa naunang presscon, dahil may klase ako at ayaw kong umabsent," sey nito.
Second year na si Bianca sa La Salle (St. Benilde) at kumukuha ng Arts Management. Desidido siyang makapagtapos ng pag-aaral kaya full time student siya ngayon at baka sa susunod na semester, kumuha na lang siya ng 12 units dahil abala sa showbiz commitment. Kasama siya sa Atlantika.
Dalawang taon at kalahati na siya sa showbiz pero hindi naman nadudungisan ang reputasyon.
"Gusto mo rin bang magpa-sexy gaya ni Katrina?" tanong namin.
"Siguro pagdating ng tamang panahon pero hindi pa sa ngayon," dagdag pa nito.
Kinumusta ko ang pag-aaral niya ng Fookien na kailangan niya sa role bilang Tsinoy sa Mano Po 5.
"Sumasakit na ang ulo ko sa pag-aaral nito. Hirap talaga! Pero kailangan kong ma-perfect para lumabas na reyalistiko," aniya.
Limang araw na lang at matatapos na ang syuting ng Mano Po 5, ayon pa sa magandang aktres na gumaganap na nanay ni Angel Locsin sa said movie.
Pero sa kaso niya, ayaw niyang magpa-botox.
"Laging gumagalaw ang mata at kilay ko. Bat kailangan ko pang magpa-botox samantalang tatanda rin naman ako?" aniya.
Sa kabilang banda, hanga siya sa dalawang batang kasama niya sa Inang Yaya na sina Tala Santos at Erika Oreta. Malapit sa kanyang puso ang mga pelikulang may tema tungkol sa bata kaya tinanggap agad ang proyekto kung saan isa siya sa prodyuser. EMY ABUAN-BAUTISTA