Bakit sa Pinas?
"Isang paraan ito para maabot namin ang napakaraming Pilipino na gustong mangibang bansa," panimula ni Atty. Lourdes "Lou" Tancinco, ang namumuno sa nasabing law office. "We can provide services to the Filipino Immigrants and to charge kung ano lang ang nararapat," pagpapatuloy niya.
TLO also represents entertainment producers and entertainers na kailangan ng visa para makapag-show sa US. Sina Sharon Cuneta, Side A, Sarah Geronimo, Nyoy Volante, MYMP, Aegis, Basil Valdez, Jericho Rosales, Bubble Gang at Nora Aunor ay ilan lamang sa mga natulungan ng TLO.
Bukod sa pagkuha ng mga visa at papeles na kinakailangan para makapunta ng ibang bansa, tumutulong din ito sa residence cases (green cards), application para sa resident status, visa options for investors, entrepreneurs, visa petition, naturalization (US citizenship) Removal Defense at marami pang ibang kaso. Tumawag lamang sa 8877177 o magsadya sa 18th Flr., Trident Tower, Puyat Ave., Makati.
Para higit pang makatulong sa mas nakakarami, nagbukas ng isang TV show si Atty. Tancinco tungkol sa immigration issues. Pinamagatang Pusong Pinoy sa Amerika (A Filipno Heart in America), co-host dito si Roderick Paulate, napapanood tuwing Sabado, sa KTSF 26 sa Bay Area, 12;30-1 NH. Nagsimulang umere ito nung Set. 9, 2006.
"We try not to be overly technical kapag nagpapaliwanag kami ng mga immigration laws at procedures. We bring it to the level of everyday Filipinos, Tagalog ang ginagamit namin," anang abogada na kagagaling lamang sa sakit na stomach flu matapos pormal na buksan ang kanilang opisina rito. Kasama nga pala niya sa Tancinco Law Offices ay limang US attoryney, at naka-base ang TLO sa San Francisco.
Ang ganda ng album, hindi naman kataka-taka dahil ayon kay Maestro Ryan ay inabot sila ng maraming taon para ito matapos. Tinawag pa niyang ang "Tunay na Philippine Idol" si Basil dahil sa ganda at galing ng pagkakaawit nito sa album.
Pinaka-gusto ko ang "Madaling Araw" pero, nagustuhan ko rin ang mga ibang kanta nang i-perform ito ni Basil "Bayan Ko", "Bituing Marikit", "Sapagkat Kami Ay Tao Lamang", "Diyos Lamang ang Nakakaalam", "Babalik Ka Rin", "Dahil Sa Isang Bulaklak", "Kung Nagsasayaw Kita", "Ugoy ng Duyan", "Bakas ng Lumipas", "Lagi Kitang Naaalala" at Mahiwaga".
Masyado akong concentrated sa pakikinig at pakikisabay sa pagkanta ni Basil kung kayat nang matapos ang "concert" ay isa ako sa sumisigaw ng "more", pero siguro sobra na kami. Pagod na si Basil, gayundin si Maestro Ryan at kahit malamig sa Shangri-La Mall, alam ko naiinitan na rin ang San Miguel Philharmonic Orchestra sa kanilang pormal na kasuotan.
Ang "Filipno classics" ay gawa ng Viva Records.
Umaabot sa P225,000 ang kabuuan ng premyong ipamimigay sa texting promo ng Atlantika mula Nob.14 -Dis. 11.
May pagkakataon ang mga manonood na manalo ng P10,000 Lunes hanggang Biyernes sa loob ng apat na linggo sa pamamagitan lamang ng pagti-text ng letra ng tamang sagot sa trivia question para sa araw na iyon sa Atlantika. Umaabot sa P200,000 ang ipamimigay na premyo sa buong promo period, at bukod dito, may pagkakataon din ang lahat ng sumali sa texting promo na mapanalunan ang P25,000 grand prize sa huling araw ng promo, Disyembre 11.
Huwag palagpasin alinman sa mga episode ng Atlantika sa mga susunod na linggo dahil bukod sa nagiging makapigil-hininga lalo ang kwento, exciting pa ang papremyo nito.
Mapapanood ang Atlantika Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Captain Barbell sa GMA Telebabad.