Black belter sa taekwondo si Joaqui at libre ang tuition niya sa Ateneo de Manila University with free dorm pa dahil isa siya sa pambato ng school sa mga competition.
Aminado ang bagets na tirador siya kapag nasa ibabaw ng ring, pero outside the ring ay hindi na niya ginagamit ang nalalaman sa martial arts.
"You dont need to show naman po to others what you know in martial arts, dapat may self-discipline ka. And I dont go for streetfighing," esplika ng isa sa cast ng Pasko Na, Santa Ko ng Love Spell.
Ultimate wish ni Joaqui ngayong Christmas o New Year ay, "Makapag-tour po sa buong Asia or Europe at makabili ng sports car."
Bagamat aminado naman si Joseph na labs niya si Sandy, e, bakit nakikipag-mabutihan pa siya sa Fil-Jap singer named Mayo Suzuki?
Kaya naman itong si Sandy, e, hayun, lalong naniningkit ang mga mata sa galit kapag nakikita at naririnig ang pangalan ni Mayo.
Tsika sa amin ng mga nakahuli ay, "In-invite ni Mayo si Joseph sa mall show niya para manood, e, kung anik-anik na ang itinext kay Sandara na kesyo sweet daw ang dalawa, hayun, mega-away na naman ang dalawa."
In return daw ay si Joseph naman ang nag-invite kay Mayo sa show nila ni Sandara at may-i punta naman ang baguhang singer at sa harapan pa nakaupo.
"Ang nakakalokah, hindi man lang matingnan ni Joseph si Mayo dahil pinandidilatan siya ni Sandara, kaya nung sumasayaw na si Joseph, sumisimple siya ng senyas kay Mayo," dagdag tsika pa sa amin.
Ending nung invite uli ni Joseph si Mayo sa birthday concert ni Sandara sa Zirkoh recently ay hindi na raw nagpunta ang Japanese singer sa takot kay Sandara. - Reggee Bonoan